Sa kaba at halu-halong nararamdaman ay hindi ko nagawang tanggapin ang kamay niya. I just stared at it for seconds at noong gumana na ang utak ko ay hinatak niya na iyon palayo sa harap ko.
Sino mag-aakalang narito siya? I mean, that's crazy! Last time I heard of him, he's abroad! Bakit siya narito?
Of course, dumb you, Chant! May posibilidad na nandito siya at hindi mo man lang naisip 'yon? He's an engineer! At nasaan ka? Nasa venue malapit sa site kung saan siya nagta-trabaho? I dont know!
Gusto kong batukan ang sarili ko sa katangahan. Ano ba ang big deal kung narito siya? Eh, ex ko na nga, 'di ba?
Daddy cleared his throat.
"Oh.. well," Daddy laughed awkwardly. "Pasensya na sa anak ko. She rarely go outside and meet other people noong nag-aaral pa siya. Mahirap ang med. Can you Imagine? Staying up all night just to study. Hindi ko kaya 'yon. Pati noong clerkship at internship niya bihira siyang matulog! Naku! Kung alam niyo lang! Ako ang napapagod sa tuwing nakikita ko siyang pagod."
Nahiya na ako sa pinagsasabi ni Dad kay Raven at Mr. Aronzado. Kung pwede lang umalis na rito ay kanina ko pa ginawa.
"I know the hardships, Sir." Raven said, parang niloloko si Daddy.
"Talaga?" Tumawa si Daddy. "You probably experienced it, too."
Napakagat ako sa labi ko at binaling na lamang ang tingin sa ibang lugar.
Ayoko na rito. Uuwi na ako.
"Dad?" Tawag ko. Hindi pa man din nakakasagot ay nagsalita na ako. "I think I need to go home." Paalam ko.
I can't wait for his response kaya naman tumalikod na agad ako at lumabas na.
I breathed in and breathed out while walking, calming myself.
What the fuck, right?
Sa dinami rami ng company sa Pilipinas talagang sa mga Aronzado pa ah?
Nanginginig ako habang naglalakad patungo sa parking lot. Walang humpay ang kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
Raziel is on my mind. Paulit-ulit na bumabagabag sa akin ang itsura ni Raven at naiisip ko agad si Raziel at ang mga pwedeng mangyari.
Now I have the reason not to put up with it anymore.
Hinahanap ko ang susi ng kotse sa purse ko habang patuloy na naglalakad. Noong nakuha ko na ay nabitawan ko 'yon dahil sa panginginig.
Huminga ako ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili. Pumikit ako at hinilot ang sentido ko.
I don't understand myself. It's been years! He has moved on already at naka move'on na rin ako. Siguro nagulat lang talaga na nakita ko ulit siya pagkatapos ng mahabang panahon at ng nangyari sa aming dalawa. May kirot pa rin pero understandable naman 'cause he's my ex!
Naistorbo ako noong naramdaman ko na may tao sa gilid ko. Dumilat ako at nakita si Raven na yumuko para kunin ang susi na nabitawan ko.
Nanlaki ang mga mata ko at gusto kong tumakbo pero hindi ko pinakita 'yon. I composed myself enough for him to not see that I'm shocked that he's here.
Tumunog ang susi nang lumutang iyon sa ere dahil sa hawak niya. Umatras ako dahil hindi ko kinakaya ang aura sa gitna naming dalawa.
Hindi ko maiwasang hindi pansinin ang tangkad niya. Ganoon pa rin siya pero may nagbago. May nagbago talaga at hindi ko mawari kung ano 'yon.
BINABASA MO ANG
Thy Heart
General FictionTunog ng mga yapak habang tinatahak. Mga biruan sa ilalim ng maliwanag na buwan. Mga simpleng paghatid bago ang paalam. Mga pangako bago tuluyan na magpaalam. April 2020