Hindi ako makatulog.
Kanina pa ako naghahanap ng pwesto kung saan pwede ako maging komportable dahil kahit anong pikit ko ay naiisip ko si Raven.
Bakit hindi siya mawala sa isip ko?
Ano nga ba ang dahilan bakit ako kinakabahan tuwing nakikita ko siya? Atraksyon? Maari. Baka nga crush ko siya?
Hindi ako nag-reply sa text niya dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Oo, noong sumapit ang highschool ay may mga nanliligaw na sa akin pero hindi naman ako kinakabahan ng ganito kapag nakakasama ko sila. Bumuntong hininga ako at pumikit nalang. Siguro dahil sa pagod ay nakatulog din ako noong gabing iyon.
Panibagong araw ay naghanda na ako papasok para sa eskwela. Medyo puyat pa ako. Sinuklay ko ang lagpas balikat kong buhok habang tinititigan ang sarili ko sa salamin. Hindi ako ganoon kaputi at hindi rin naman ako ganoon na kayumanggi. Binasa ko ang labi ko at lalo itong naging pink. Hindi pa ako marunong gumamit ng mga kolorete sa mukha pero baka sa susunod ay subukan ko.
Nang makuntento ay lumabas na ako sa aking kwarto at agad tumungo sa aming dining para kumain ng almusal. Mommy and Daddy were already eating. Sa kabisera si daddy at sa gilid niya ay si mommy. Umupo ako sa gilid ni daddy at nakaharap ako kay mommy.
"Goodmorning po," I greeted. Tumango lang sila at nagpatuloy kumain. Malamig nanaman ang turingan ng dalawa ngayon. Mukhang galing nanaman sila sa away. Hindi ba sila napapagod?
Nagdaan ang mga oras at naging busy nga kami sa school dahil sa mga seatworks at homeworks na binibigay. Pagkauwi galing sa school ay nagpahinga lang ako saglit at tinapos lahat ng schoolworks.
Hindi ko namalayan ang oras at gumagabi na pala. Alas otso noong kumatok si manang sa aking kwarto para sa hapunan. Bumaba ako at nagtataka kung bakit wala pa ang parents ko. Usually kapag sumapit ang alas otso ay nandito na sila at sabay kaming nagdidinner.
"Manang nasaan po sila dad? Hindi pa po ba sila nakakauwi?" Kuryosong tanong ko kay manang habang pinaghahanda ako. Umiling lamang siya.
"Hindi naman sila nagbilin sa akin na gagabihin sila ngayon. Tumawag lang ang daddy mo sa akin kanina. Mukhang biglaan silang may inasikaso,"
Tumango lang ako at nagsimula na kumain. Hindi ako sanay mag-isa kumain kapag nasa bahay lang. Inikot ko ang paningin ko sa aming dining. Tahimik lang at tanging pagtama lamang ng aking kutsara't tinidor sa plato ang naririnig ko. It's so lonely and I hate it.
Nakita ko si manang at ang iba naming kasama sa bahay kaya niyaya ko silang sumabay sa akin.
"Naku at baka mapagalitan kami nila sir, Chantaye. Kung sasabay man kami sa iyo..." kinakabahang sabi ni ate Lupe. Agaran akong umiling. Nilunok ko muna ang kinakain ko at maagap na sumagot.
"Sige, anong oras ba ang kain niyo at sasabay nalang ako sainyo ate..."
Bumuntong-hininga si ate Lupe at mukhang wala nang magagawa. Sinabayan nga nila ako kumain at nagkwentuhan pa kami bago ako umakyat sa aking kwarto.
BINABASA MO ANG
Thy Heart
General FictionTunog ng mga yapak habang tinatahak. Mga biruan sa ilalim ng maliwanag na buwan. Mga simpleng paghatid bago ang paalam. Mga pangako bago tuluyan na magpaalam. April 2020