Kabanata 10

46 9 4
                                    

Nadatnan ko ang kapatid ko sa sala namin pagkauwi. Nakaupo lang siya at tutok ang mata sa pinapanood. Hindi niya ako napansin kaya dumeretso nalang ako sa aking kwarto.

Pag-akyat ay nilapag ko ang paper bag sa aking study table. Hindi ko maiwasan hindi mapangiti kapag naalala ang nangyari kanina. Sobrang galak ng puso ko dahil pakiramdam ko ay achievement ang makilala pa lalo si Raven. Malaking pala-isipan pa rin sa akin ang estado namin. I don't know what we are. I think we're friends? Hindi naman niya ako inaakbayan at hinahalikan like what Gree and Alaya said. Baka nga friends lang. 

I just shrugged that thought off. Gusto ko bang pahalik? Of course not!

Kinuha ko nalang ang tuwalya ko at pumasok sa banyo para makaligo. Pagkatapos noon ay bumaba nalang ako sa sala namin para makinood sa kapatid kong abala pa rin ngayon.

Bitbit ko ang paperbag ng Jollibee at nilapag iyon sa mini table sa aming harap kaya naagaw noon ang atensyon niya. His forehead creased and then he looked at me with accusations in his eyes. 

"What?" I asked. Hinalungkat ko ang paper bag at nilabas ang fries. Inalok ko si kuya at kumuha naman siya kahit ramdam ko ang kanyang pagtataka.

"Saan naman galing 'to?" He asked. May pagdududa doon.

"Bigay lang," totoo naman. Hindi siya umimik kaya binaling ko ang paningin ko sa aming harap.

Hindi siya nagsalita at parang may iniisip. 

"Sa manliligaw mo ba?" aniya. Sa gulat ay agad ko siyang binalingan ng tingin at hanggang ngayon ay nakakunot parin ang noo niya sa akin. 

Sinubukan kong itago ang gulat ngunit pakiramdam ko ay huli na ang lahat dahil nakita ko siyang ngumisi bago titigan ang paperbag sa harap na para bang malalaman niya ang katotohan kung titignan niyang mabuti iyon. 

"Maliit pa ang mundo mo ngayon, Chantaye." makahulugan niyang sambit. Hindi ako umimik at pinakinggan lang siya. Naguguluhan sa sinasabi niya. 

"I understand the way young minds and hearts take all these things. One day you'll learn," dumilim ang mga mata ni kuya. Napalunok ako sa lamig ng boses niya. 

"Enjoy your youth, Taye. Treasure your innocence for now. It is indeed a bliss and it won't linger forever." 

Hindi ko masyadong naintindihan iyon kaya hindi ko na masyadong pinansin. Hindi na rin naman niya dinugtungan ang mga sinabi at pinagpatuloy na lang ang kanyang panonood.

Bumangon ako isang araw sa buwan ng Disyembre na puno ng determinasyon. Ngayon ang araw para sa examination namin sa Science. Bitbit ko ang aking formula card na gawa pa ni Raven. Alam ko na ang lahat ngunit kinakabahan pa rin ako. 

"Ang aga mo ngayon?" Tanong ni dad sa akin nang namataan akong kumakain ng almusal. 8am pa ang schedule ng exam namin.

"7am po ako papasok para may time pa po ako para makapagreview bago ang exam, dad." I said. Tipid siyang ngumiti.

Umupo siya sa kabisera at sinabayan akong kumain.

"You know, you can take the course you wan't. Don't listen to your mom." He said. Napatingin ako kay dad at tumango at pinagpatuloy ang pagkain. Dad is the supportive one. Laging siya.

Nang matapos ay agad akong dumeretso sa aming SUV dahil naghihintay na doon si kuya Joey. Nang makasakay ay agad niyang pinaandar ito. 

Kinuha ko ang aking phone galing sa aking bulsa dahil balak kong i-text si Raven at ganoon na lamang ang gulat ko dahil may message na siya doon. 

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon