Kabanata 22

67 7 26
                                    

"4th year na tayo!" Gree shouted.


"Yeah," I chuckled before I sipped on my drink. "Where's Alaya?"


"I don't know. Late lang siguro 'yon."


It's 11 in the evening and the bar we're in was barely alive. Mamaya pa 'to panigurado. Gree decided to celebrate because we survived our 3rd year college. Matagal nang tapos ang finals at nakuha na rin namin ang grades namin kaya sigurado na kaming 4thyear na kami.


"Hi!" Bati ni Gree sa kadadating lang na si Hanika. Nagbeso pa sila bago siya umupo sa tabi ko. Nasa letter U couch kami dahil inimbit ni Gree ang mga blockmates niya na mamaya siguro ay darating na rin. Nagpaalam si Gree na may pupuntahan sa kabilang table kaya naman naiwan kami ni Hanika dito.


"Late ka yata?" I asked Hanika.


"Medyo traffic," aniya habang ang mga mata ay nasa table sa harap. She poured some whiskey on a glass before she sipped on one. "I'm with Ortiz, by the way. He's with his friends. I mean, his blockmates. Baka kabahan ka nanaman." 


"Stop it," suway ko sakanya at inirapan ko pa siya. 


"Right," she grinned. Pinasadahan niya ako ng tingin. "I love your outfit. Very Chantaye."


Binaba ko ang tingin ko sa suot ko. It was a Metallic Bandana tube top at pastel pink iyon partnered with high waisted ripped denim shorts. Nagsuot lang ako ng nude ankle strap heels.


"Ganito naman talaga ako manamit." Sabi ko.


"Kaya nga very Chantaye 'diba?" sarcastic niyang sabi.


"Taray mo naman." Puna ko. "Pregnant ka, gurl?" Pang-aasar ko.


Humalakhak siya, "Mauna ka muna."


Lalo pang lumalim ang gabi at mas dumami na ang tao dito sa bar. Madilim na at ang mga neon lights ay nagkalat na sa paligid. Even the loud music was already on. Mas buhay talaga ang mga tao kapag gabi dito sa BGC.


Nagsidatingan na ang mga kaibigan ni Gree kasama si Alaya. Lima ang mga 'yon. Tatlong babae at dalawang lalake. Pinakilala 'yon ni Gree ngunit hindi ko na masyado pang naalala ang pangalan dahil hindi na magkarinigan sa loob.


Tuloy-tuloy lang ang inuman namin hanggang magyaya na si Hanika na magsayaw sa gitna. Agad akong tumayo ay sumama sa kanya doon.


"Laya!" Tawag ko kay Alaya na tamad na nakaupo sa aming couch.


She waved her hand, "Pass ako."


Nilipat ko ang tingin ko kay Gree na seryosong nakikipagusap sa blockmate niya. Busy siya kaya hindi ko na masyadong guguluhin.


Kapwa kami sumasayaw ni Hanika at sinasabayan ang malakas na musika. Naramdaman ko na din ang tama ng ininom namin sa aking sistema.


Ang makukulay na ilaw at ang mga tao sa paligid ang nag-udyok sa akin para mas mawala pa. I closed my eyes before I swayed my hips.


"Go girl!" Halakhak ni Hanika. Sinabayan niya ako dahilan para magtawanan kami.


Nang mapagod ay bumalik kami sa kinauupuan. Uminom ulit kami at nakipagkwentuhan saglit sa iba bago muling bumalik sa dance floor. Kasama na namin sila Gree at Alaya.


Lumalalim ang gabi dahilan kung bakit mas lalong lumalakas ang musika sa loob ng bar. People were getting really wild. Nakakahawa 'yon. How the neon strob lights go down and sway to the crowd. Na para bang sinasabayan nito at alam ang kailangan ng mga tao sa gitna. Kasiyahan.


Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon