Kabanata 16

68 7 14
                                    

Loving him back then was euphoric, but it was also short-lived.

"Comparisons are easily done, once you've had a taste of perfection..." 

"Tama na yan, Alaya!" Hiyaw ko. Hindi niya ako pinansin at mas lalo lang niyang dinama ang kanta. Sinasabayan pa siya ni Gree.

"Kj ka? Kumanta ka 'rin!" Pinanlakihan ako ng mata ni Gree at binato pa ako ng unan. Umilag ako at tinawanan siya.

"Ba't ka nambabato? Pasalamat ka't birthday mo, 'di ko lalakasan." Dinampot ko ang unan at binato ko sakanya.

"Kaya nga throw pillow, 'diba?" She joked. Inirapan niya pa ako kaya natawa nalang ako at sinabayan lang sila.

"How do I get better, once I've had the best.." sabay-sabay naming kinanta.

"Ang sakit naman!" Sigaw ni Laya at nagkunwaring umiiyak habang hawak ang gilid ng isang mata, kunwari may pinupunasan. 

"Mahirap talaga magmahal ulit kapag naranasan mo na yung sobrang pagmamahal sa iba," seryosong sambit ni Laya nang matapos ang kanta. 

Tumahimik ang kanilang sala at natigil kaming tatlo. Sumandal lang ako sa kanilang sofa at niyakap ang throw pillow. Mamaya pa darating ang mga bisita ni Gree at nauna kami ni Laya dito kaya nag-videoke muna kami. Alas tres palang naman. 

"Mas kawawa yung taong ginamit. Mas kawawa si 'him'" seryosong sambit ni Gree. Tinutukoy ang kanta.

"Mahirap magmahal kapag yung taong mahal mo, may mahal pang iba. Imagine giving your love and your all to someone who's still constantly thinking of someone else and still regrets? Hindi ka lang ginagamit, sinisira ka pa." 

Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa. Hindi ko alam bakit pa nila pinaguusapan 'to. Ang alam ko nag vi-videoke lang kami, e. Bakit biglang naging ganito? 

"Tama na 'yan," sambit ko. Tumingin sila sa akin at nagtaas ng kilay. "Magpalit ka na kaya Gree?" Suhestiyon ko dahil baka mabaling nanaman sa akin ang atensyon at asarin pa ako.

Umiling siya, "Maaga pa naman."

"Madami ka bang inimbitahan?" Tanong ko dahil friendly din 'tong isang 'to. 

"Yeah, medyo. Mas kaunti kesa noong last celebration ko." she shrugged. "Inimbitahan ko din sila Raven," aniya. Tumango lang ako dahil nasabi na nga ni Raven iyon. 

Nagpatuloy kami sa pagkanta kaya naman hindi na namin namalayan ang oras. Nagmamadali kami na magbihis sa kwarto ni Gree ng mas maayos na damit kaysa sa suot namin kanina na pambahay lang.

Raven texted me na malapit na sila kaya lumabas ako sa bahay nila Gree upang abangan ang pagdating nila dito. The April sky looks so magentic at this hour. Wala masyadong mga ulap at hindi na masyadong mainit ang panghapong araw. 

Natanaw ko ang pagdating ng isang Range Rover at nagpark ito sa harap ng mansion nila Gree. Kumunot ang noo ko nang lumabas don ang limang magkakaibigan.  Si Theo ang lumabas mula sa driver's seat.  Pwede na ba silang magdrive? 

Madami na ang mga bisita sa loob at pakiramdam ko pagtitinginan ang limang 'to dahil sa kanilang mga dating. 

"Ampogi naman.." pang-aasar ko kay Raven nang makalapit siya sa akin. He's wearing a simple denim jeans and a white shirt. Suot niya din ang hikaw niya na lalong nagpadagdag sa naguumapaw niyang appeal. Tinaas niya ang kilay niya na parang nagyayabang pa. He smiled and his dimples appeared.

"Kaya nga patay na patay ka sa'kin, 'diba?" Aniya at bahagya pa siyang yumuko at ngumuso. Umambang hahalik. Nanliit ang mga mata ko at inirapan ko siya.

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon