CHAPTER 2: FIRST NAME BASIS

1.6K 41 6
                                    

Estrella's POV
Matapos ang naging pag-uusap namin sa kliyente namin na si Mr. Victoria ay nagkanya-kanya na kaming sakay sa sasakyan namin. Habang umaandar ang sasakyan ko ay naisipan kong huwag munang pumasok sa opisina. Bahala na kung mapagalitan ako pero gusto ko muna mag-unwind kahit sandali lang. Isa pa ay maglalunch pa lang kaya ayos lang naman siguro.

Bago pa ako makarating sa ProBuild ay nadaanan ko ang isang mall at walang pagdadalawang isip kong ipinasok ang kotse ko hanggang sa makarating ako sa parking lot. Sana naman ay walang makahuli sa akin na katrabaho ko. Sigurado malilintikan na naman ako nito kay papá.

Nang makapasok ako sa loob ng mall ay doon ko lang tinanggal ang suot kong salamin. Nawala na kasi ang pamamaga ng mata ko at saka isa pa mall na 'to. Mas marami ng tao rito at nakakahiya kung pagtitinginan ako.

Habang naglilibot sa mall ay naisipan ko na lang na bumili ng ilang damit na dadalhin sa Cebu. Napadaan kasi ako sa madalas kong bilhan ng damit kaya naman pumasok ako rito at may ilang damit akong nagustuhan.

"Thank you." I thanked the cashier when she handed me the things that I brought.

"Thank you rin ma'am. See you again." Nginitian ko lang siya at nagpaalam na. Sa dalas kong mamili rito at kilala na ako ng mga staff.

Nang makalabas ako ng boutique na pinuntahan ko ay sinilip ko pa ang mga nabili ko. Excited na akong sukatin ang mga 'to pag-uwi.

"Estrella?" Nag-angat kaagad ako ng tingin ng marinig ko ang boses ng kakambal ko.

"Estrella rito!" Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at sa bandang kanan ko ay nakita ko si Esperanza.

Pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si papá at sa tingin ko ay dito sila sa mall maglalunch. Bakit ba kasi ngayon ko pa naisipang mag mall?! Ngumiti lang ako sa kanya at hindi ko na ulit binigyan si papá ng tingin. Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kanila pero hinabol ako ni Esperanza.

"Wait lang Estrella." Nang lingunin ko siya ay nakita ko na hila-hila niya si papá. Hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura ni papá na labag sa loob na makita ako.

"Bakit nandito ka? Ano binili mo?" She gave a glimpse at the paper bags that I'm holding.

"A-Ah dumaan lang ako sandali rito para mamili ng dadalhin kong damit sa Cebu."

"Nakausap niyo na yung magpapagawa?" Tanong pa niya.

"Oo katatapos lang. S-Sige mauna na ako, may trabaho pa ko." Napapikit na lang ako sa inis nang pigilan niya ako.

"Papá and I will have a lunch here. Come on and join us!" Excited pa na sabi niya pero tinanggal ko lang ang pagkakahawak niya sa akin.

"Busog ako, kayo na lang." Tumingin ako kay papá na nakatingin din pala sa akin. "Mauna na po ako sir."

Nagmamadali akong umalis sa harapan nila dahil nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Ano ba naman 'yan?! Hindi pa nga tuluyang okay yung mata ko mamaya mahapdi na naman?! Bwiset naman kasi! Dapat kasi iba na lang ang naging ama ko.

KABABALIK ko pa lang dito sa ProBuild pero pinadiretso na agad ako ng supervisor namin sa office ni papá. Nakakainis kasi bakit ako pa?! Bakit hindi na lang si Engr. Castillo ang ipatawag niya gayong siya naman ang talagang kinausap ni Mr. Victoria.

Gamit na naman ang seryosong mukha ay pumasok na ako sa office ni papá. Naabutan ko siya na may hawak na ruler at may bond paper sa harap niya.

"So how's the talk?" I laughed sarcastically in my head. Wala man lang kamusta naging lakad mo. Sabagay baka kilabutan pa ako kung ganoon ang mangyari sa pagitan namin.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon