CHAPTER 35: ENLIGHTENED

944 30 1
                                    

Estrella's POV
"Ingat sa pag-uwi. Salamat sa paghahatid." Sabi ko kila Michael na isa-isa ng nagsisisakay sa van.

"Maraming salamat sa pahapunan ma'am Estrella. Dadalawin ho namin kayo kapag nanganak kayo." Sabi ni Andrew na ngayon ay nakadungaw sa bintana dahil nakasara na ang pinto ng van at nasa loob na sila lahat.

"Sige hintayin ko kaya rito." Dumungaw din ang iba sa bintana para magpaalam hanggang sa umandar na ang van nila para makaalis.

Malaki ang ngiti ko sa labi hanggang sa hindi ko na matanaw ang van nila at nakalabas na sila sa gate. "Pumasok na tayo at baka hamugin ka pa ma'am Estrella." Sabi ni ate Martha kaya magkakasabay na kaming pumasok sa loob.

Napahawak ako sa sandalan ng sofa na malapit sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko na may sumigid na kirot sa tiyan ko. Hinaplos ko ang tiyan ko para kumalma ako pero hindi mawala ang sakit.

"ATE MARTHA! PAKITAWAG NAMAN SI KUYA LITO." Sabi ko sa malakas na boses dahil nawala na sila sa paningin ko.

Tumatakbo itong lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba ma'am?! Sandali lang po." Hinimas niya rin ang tiyan ko at inalalayan akong maupo sa sofa.

Kailangan kong maging kalmado dahil baka lalong mapahamak ang mga anak ko. "MIKAY TAWAGIN MO SI TITO MO AT DALHIN NATIN SI MA'AM SA HOSPITAL." Ninenerbyos na sabi ni ate Martha.

Kumaripas naman ng takbo ang magkapatid papunta sa bahay ni Esperanza at ilang saglit pa ay kasama na nila si kuya Lito. Inalalayan nila ako papunta sa sasakyan at silang magkapatid ni ate Martha ang kasama ko papunta sa hospital.

Habang nasa daan papunta ng hospital ay si ate Martha na ang kusang tumawag kay doktora sa telepono para ipaalam ang nangyari sa akin.

"Nandoon pa raw sa hospital si doktora at aantayin niya raw tayo ma'am Estrella." Sabi niya nung matapos ang tawag.

Patindi na rin ng patindi ang pagsakit ng tiyan ko. "Ate Martha pakitignan nga. Dinudugo na yata ako." Sabi ko sa mahinang boses.

Bahagya namang inilawan ni ate Martha ang ibaba ko gamit ang cellphone. "Sus maryosep! Malapit na tayo ma'am!" Kita ko ang pamumutla ni ate Martha pero hindi ako nagpaapekto.

Mabilis ang kilos ng mga nurse na hila ang strecher papunta sa akin ng puntahan sila ni kuya Lito sa entrance ng hospital kung saan sila naghihintay. Banayad nila akong binuhat pasakay sa strecher at tinulak ito ng mabilis papunta sa ER.

Bumungad sa amin ang ob-gyne ko pagpasok namin sa ER saka ako tinurukan ng pampatulog. Bago tuluyang pumikit ang mga mata ko ay umusal muna ako ng maikling panalangin sa panginoon na sana ay walang mangyaring masama sa mga anak ko.

Kiano's POV
"Hello little brother. I'm here to share you something." Bungad sa akin ni ate Zandy habang nakapameywang.

Lumangoy ako palapit sa kanya saka ako umahon sa pool ko. Today is Sunday that's why I'm here in my house and pampering myself.

"What is it, hmm?" I kissed her on the cheek pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Basa ka eh!" Inis na sabi niya pero tinawanan ko lang at saka ko sinuot ang bathrobe ko.

"Ano ba kasi yung sasabihin mo?"

"Magpatuyo at magbihis ka muna sa loob." Inunahan pa niya akong pumasok sa loob ng bahay ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya papasok at saka ako dumiretso sa kwarto ko para mag-ayos ng sarili.

Mabilis lang ang ginawa kong pagbabanlaw at pagbibihis dahil gustong-gusto ko ng malaman ang sasabihin ni ate. Talagang sinadya niya pa ako sa bagay na 'yon kahit na pwede naman niyang isend sa email ko.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon