Estrella's POV
"Engr. Alejandro pinapatawag ka ni Mr. Alejandro sa office niya. Ngayon na raw." Tawag pansin sa akin ni Engr. Katipunan na siyang supervisor namin dito sa department.Dumaan 'to sa cubicle ko para sabihin sa akin na pinapatawag ako ni papá sa opisina niya. My papá is the owner of this firm where I'm working. Employee pa lang ako rito dahil nag-uumpisa pa lang naman ako. Kahit na may bachelors degree na ako sa pagiging civil engineer ko ay marami pang gusto si papá na patunayan ko sa kanya. Isa na roon ang magtrabaho ako sa sarili naming firm.
Binitawan ko ang ginagawa ko at saka ako tumayo para puntahan si papá sa top floor kung nasaan ang opisina niya. Madalas lang naman ako ipatawag ni papá kapag may bagong proyektong gagawin. Kaya sa hinuha ko ay 'yon ang dahilan kung bakit niya ako ipinatawag ngayon.
Taas nuo akong naglakad papunta sa loob ng office ni papá. Hindi ko naman na kasi kailangang magpaalam sa secretary niya na papasok na ako sa loob dahil hindi naman ako pumupunta rito kapag wala akong kailangan.
"Good afternoon sir. Pinapatawag niyo raw po ako." Sa hindi ko alam na kadahilanan ay ayaw na ayaw ni papá na tinatawag ko siyang papá kapag nandito kami sa firm namin. Kapag ginawa ko 'yon ay malilintikan na naman ako.
Walang emosyon ang mukha nito ng iabot niya sa akin ang isang folder. "Mr. Kiano Victoria wants us to lead the construction of their new hospital that will be located in Cebu."
Ang layo naman. Kung ganoon ay kailangan ko pang magpunta sa Cebu dahil lagi kong tsinetsek ang site na pinagtatayuan ng mga proyekto namin. "Kiano V-Victoria..." Wala sa loob ko na naisatinig ko ang pangalan na narinig ko kay papá.
"Yes. Their family owns a lot of hospital here around Luzon. That's why our project in Cebu will be their first branch outside Luzon meaning their business is getting wider." Maikling paliwanag ni papá.
"Diba sila ang may ari ng mga Victory Hospital at Victory Hotel? Pati ang pamilya nila na Victoria ay ang matunog na angkan sa business industry diba?" Papá nooded.
"Nasa folder na 'yan na lahat ng gusto ni Mr. Victoria para sa magiging kalalabasan ng hospital nila na itatayo sa Cebu. Yung mga ibang disenyo na gusto mong idagdag ay pag-usapan niyo na lang daw bukas. Kaya kailangan mafinalize mo na ngayon kung ano ang mga idadagdag."
Gusto ko mang kumontra kay papá dahil talagang bukas agad?! Pero wala naman akong magagawa kahit sabihin ko sa kanya dahil hindi naman siya marunong makinig sa mga sinasabi o sinasuggest ko. Pagdating sa akin sarado ang isip niya. Lagi niyang sinasabi sa akin na magiging kasiraan ng kompanya namin ang mga ideya ko. That's why I always choose to be silent.
"I'm going now sir." I said coldly to him then left his office.
Pagbalik ko sa cubicle ko ay iniligpit ko na ang mga gamit ko kanina dahil kailangan ko munang icheck ang blueprint ng hospital na itatayo. Binuklat ko ang folder at binasa ang lahat ng nilalaman non at para sa akin ay wala naman na akong babaguhin o idadagdag. Ang totoo niyang ay ang ganda ng pagkakagawa ng blueprint at talagang pang high class ang hospital na gustong itayo ni Mr. Victoria.
"Sabi na nga ba at 'yan ang dahilan kung bakit ka pinatawag ni Mr. Alejandro." Medyo nagulat pa ako ng marinig ko ang boses ng supervisor namin na nasa likuran ko na pala.
"Ah o-opo Engr. Katipunan. Tignan ko raw po ang blueprint ng hospital na itatayo sa Cebu kung may babaguhin o idadagdag pa." Tumango naman ito sa sinabi ko at nakitingin sa blueprint.
Si Engr. Katipunan ay isa sa mga masusungit na supervisor dito sa firm namin pero pagdating sa akin ay hindi siya masungit. Marahil ay takot siyang pagalitan ako dahil tatay ko ang may ari ng ProBuild. Pero kung ako lang naman ay ayos lang na pagalitan niya ako dahil para naman 'yon sa ikabubuti ko. Pati mga kasamahan ko ay iba ang trato sa akin at parang lagi ako ang head nila kahit hindi naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/215209195-288-k213507.jpg)
BINABASA MO ANG
Only To You (R-18 COMPLETED)
AléatoireThe lady who did everything to please his father. That's me. But when I realized that I'm not happy anymore with what I'm doing, I go against my father. I became a slut. I let someone used my body. I faced the consequences even though it's not my...