CHAPTER 20: NECKLACE

916 28 0
                                    

Estrella's POV
Pagbaba ko ng hagdan ay saktong paalis na si papá papunta ng opisina. Tumingin siya sa gawi ko at saka nagtanong.

"Oh papasok ka na pala. Sumabay ka na sa akin kasi sira yung sasakyan ni Esperanza kaya nagpahatid siya sa appointment niya gamit yung van. Diba coding ka ngayon?" Nilagpasan ko muna siya bitbit ang bag ko at saka ako sumagot.

"No thanks sir. The taxi that I hired is already waiting outside." Hindi ko na siya nilingon at naglakad na ako palabas ng gate namin at saka sumakay sa taxi na naghihintay na nga sa akin.

"ProBuild po manong." Minaniobra na nga ni manong ang taxi at nasa likuran nga lang namin ang sasakyan ni papá na papasok na rin.

Ayokong magkautang na loob sa kanya. Nararamdaman ko naman na bumabawi na siya sa akin pero nandito pa rin yung galit ko. Ang tagal kong nagtiis, ang tagal ko siyang sinusuyo pero ngayon na lang niya narealize ang mga pagkukulang niya sa akin. Wala na nga si mama tapos hindi pa niya ginampanan ang pagiging ama niya sa akin.

Gusto ko man siyang patawarin na sa mga ginawa niya pero hindi pa talaga kaya ng puso ko. Siguro kailangan talaga ng oras para maghilom yung mga sugat ko. Ayokong madaliin at ayoko siyang patawarin kung hindi ko pa naman talaga kaya. Saka isa pa wala naman akong narinig na humihingi siya ng sorry o pasensya sa akin.

Pagbaba ko ng taxi ay nilakad ko pa mula sa gate hanggang sa building. Mabilis ang ginawa kong paglog ng pangalan ko sa entrance ng building ng makita ko si papá na papasok na. Nang matapos akong pumirma sa log book ay lakad takbo ang ginawa ko papunta sa elevator para hindi kami magkasabay. Buti na lang ay pasara na ang elevator na naabutan ko kaya sa huli ay nagtagumpay ako.

Natapos ang araw ko kagaya ng dati. Wala na rin gaanong trabaho na ibinigay sa akin ang supervisor ko hindi kagaya nuong nakaraang linggo. Bitbit ang handbag ko habang naglalakad na ako palabas ng ProBuild. Uuwi na ako at kailangan ko ng taxi.

"Pst." Napalingon ako sa tumawag sa akin at napatulala ako ng may magnakaw ng halik sa akin.

Sinamaan ko ang lalaki na nasa gilid ko na siyang nagnakaw ng halik sa akin. "Zack!"

Nginisihan niya lang ako at saka ako inakbayan habang naglalakad kami ng mabagal. "Anong ginagawa mo rito?"

"Siguro naman pagbibigyan mo na ako ngayon kasi magaling ka na. Saka diba hindi naman tayo natuloy nung Sabado." Oo nga pala. Yung dapat sanang pagkikita namin nung Sabado ay hindi natuloy dahil sa nagkasakit ako.

"Sige saan ba tayo?"

"Sa Victoria Hotel Main tayo."

"Zack kagagaling ko lang sa sakit at saka pagod ako from work. Wag muna ngayon please, di pa kaya ng katawan ko." Napansin ko na nandito pala sa labas ng ProBuild ang sasakyan niya.

"What?! Kakain lang naman tayo. May iba ka pang iniisip bukod doon?" He's laughing now at me. I can feel my cheeks heated up.

"Shut up. Sige na sumakay ka na sa kotse mo." Kunwari ay masungit kong sabi.

"Eh ikaw nasaan ang kotse mo?" Tanong pa niya ng mahalata niya na lumabas ako ng ProBuild ng walang sasakyan.

"My car is coding."

"Sumakay ka na sa akin at baka takasan mo pa ako. Magtatampo na talaga ako ng sobra sayo." He's acting like a kid. Seriously?! This playboy can act like that?!

"Oo na. Wag ka ng makulit." Siya na ang nagsara ng pinto ng kotse niya ng makasakay ako at saka kumindat pa sa akin nang paandarin na niya 'to.

I shook my head. Naguguluhan na ako sa mga kinikilos niya. Last week, he didn't stop reaching me through my phone, tapos nandito siya ngayon para lang kulitin ako na ituloy na namin yung pagkikita namin na dapat ay nung Sabado pa, hinalikan din niya ako kanina habang naglalakad.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon