-ONE YEAR LATER-
Estrella's POV
Tuwang-tuwa ako habang pinapakain ang dalawang anak ko ng cerelac. Parehas silang nakaupo sa harapan ko at ako naman ay nakaupo din sa likuran nila at naka alalay.Pilit inaabot ni Zachy ang bote ng gatas niya na nakapatong sa center table. Dahil nakasalampak kami sa sahig na may mat at malapit lang naman ang center table ay ako na ang kumuha ng milk niya.
"Here you go Empress Zachy." She grabbed her bottle of milk from me then started drinking her milk.
"How about my baby boy. You want some milk? Hmm Emperor Kaino?" Umiling siya na para bang naiintindihan na niya ako kaya natawa ako.
Nang matapos ko silang pakainin ay pinaligpit ko na kila Eloisa ang kalat naming mag-iina. Nung unang panganak ko pa lang sa kanila ay talagang nahirapan akong alagaan sila lalo na at kailangan ko ring magtrabaho. Malaki talaga ang naging papel ni ate Martha at ng mga anak niya sa amin.
Madalas kasi ay kapag umiyak ang isa sa kanila ay kailangan mo munang iwan sa crib ang isa pero kapag narinig naman nung isa yung iyak nung kakambal niya iiyak na rin. I didn't know that being a single parent would be this hard. Siguro ay nahirapan din ng ganito si papá nung namatay si mama.
Papá and I were in good terms now. Humingi siya ng tawad sa akin at sino ba naman ako pra ipagdamot sa kanya 'yon. Hindi na rin kami mga bata at may mga anak na ako kaya kailangan ay mas lawakan ko pa ang pang-unawa ko.
Nung manganak ako ay sumama pa siya kay Esperanza at Lance para puntahan ako sa hospital at sila ni Esperanza ang nag-alaga sa akin at sa mga bata hanggang sa makalabas ako ng hospital. Tuwing tumatawag nga sila ng kakambal ko ay lagi nila akong kinukulit na bumalik na sa Manila para roon na ulit manirahan.
Hindi naman kasi ganon kadali 'yon lalo na at nandito na ang buhay na nakasanayan ko at saka may mga projects pa akong ginagawa rito sa Bulacan. Dalawang buwan na lang at mag-iisang taon na ang kambal ko kaya gusto silang bigyan ni papá ng magarbong party at mangyayari lang daw 'yon kapag bumalik na ako sa Manila.
Sa totoo lang ay natatakot talaga akong bumalik na Manila dahil iniiwasan kong magkita kami ni Zack. Ano na lang ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya kami ng mga bata. Lagi naman akong binabalaan ni Esperanza na hindi ko naman habang buhay maitatago kay Zack ang nangyari para raw maging handa ako.
"Sshhh." Kinarga ko si Zachy habang nakaupo pa rin dahil nagsisimula na siyang umiyak marahil ay inaantok na.
Buti na lang at tahimik dito sa tabi ko si Kaino kaya walang problema. Honestly hindi naman talaga siya tahimik. Nagsisimula na naman siyang magsalita ng kung anu-ano na hindi ko maintindihan. "What are you saying baby?" I asked him then I caress his growing hair with one of my hands.
"Tototototo...to..my..tototo." Natawa ako dahil sa pinagsasasabi niya habang tinuturo niya ang placemat.
"This is placemat baby. Come on say it. It's placemat." Binalingan ko si Zachy na mahimbing ng natutulog sa bisig ko habang dumedede pa rin.
"S...mat!" Sabi naman ni Kaino na ikinangiti ko. Sa edad nilang sampung buwan ay marami na silang improvements.
They can now sit confidently pero kailangan ng alalay, nakakalakad na rin sila at nakakatayo pero kailangan pa rin ng alalay. They're also trying to communicate with us pero malabo pa ang mga salita na sinasabi nila. They're still learning and I'm looking forward to their next improvements.
BINABASA MO ANG
Only To You (R-18 COMPLETED)
DiversosThe lady who did everything to please his father. That's me. But when I realized that I'm not happy anymore with what I'm doing, I go against my father. I became a slut. I let someone used my body. I faced the consequences even though it's not my...