CHAPTER 13: DESPERATE

948 26 0
                                    

Estrella's POV
Inihahanda ko ang report ng construction site sa Batanes dito sa cubicle ko. Pinatatawag na kasi ako ni papá sa office niya para makita ang report. Dahil ako lang ang nandito mula sa team namin ay ako na ang magrereport. Saglit lang naman siguro ang aabutin ng mga paliwanag ko.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay umalis na rin ako sa cubicle ko para puntahan si papá sa office niya. Paglabas ko sa elevator ay nagulat pa ako ng pasakay naman si Lance. Nagkagulatan kaming dalawa. Hinarangan ko ang daanan sa elevator para hindi muna siya makasakay.

"Nag-usap kayo ni papá?" Mahina kong tanong.

Tinignan niya ang bitbit kong laptop at isang folder. "Yup. Pinapunta niya ako rito para sabihin sa akin na ayusin ko na raw ang kasal natin."

Nabigla ako sa sinabi niya. "A-Anong sabi mo sa kanya?!" Kinakabahan kong tanong. Hindi pwede! Ayokong makasal kay Lance!

"Sinabi ko sa kanya na aayusin ko na ang tungkol sa bagay na 'yon. Estrella we're running out of time! Kailangan na nating magplano para hindi matuloy ang kasal." Mahinang sabi niya.

Sunod-sunod akong tumango. "Sige mag-usap tayo mamaya. Baka may makakita or worst makarinig pa sa pinag-uusapan natin dito, mahirap na."

He nooded. "Okay. Gotta go." Hinayaan ko muna siyang makasakay ng elevator bago ako pumunta sa loob ng office ni papá.

Pagpasok ko sa office niya ay umakto ako na walang alam sa pinag-usapan nila ng fiancé ko. "Good morning sir Alejandro." Pinatong ko sa table niya ang laptop at folder na dala ko.

"I'll just read your report. You don't have to discuss it." Sabi niya sa akin at saka kinuha ang folder na dala ko.

Napatanga ako sandali sa sinabi niya. Pinaghandaan ko pa naman kagabi ang report ko tapos babasahin na lang niya?! Sabagay hindi na rin ako mahihirapan. Pabor sa akin 'yon.

Tahimik na lang akong umupo sa harap ng mesa niya nang umpisahan na niyang basahin ang report na ginawa namin ng team. Minsan ay nagtatanong siya at ang lahat naman ng 'yon ay sinasagot ko.

Matapos ang mahigit kalahating oras ay natapos na rin siya sa pagbabasa ng report. Binalik niya sa mesa ang folder at saka nakasalikop ang kamay na bumaling siya sa akin.

"Bibisitahin ko ulit ang site kapag nangalahati na sa construction. So far ito ang pinakamagandang proyekto ng ProBuild at sigurado ako na dadami pa lalo ang kliyente natin lalo na at dalawang beses ng nagpagawa sa atin ang mga Victoria."

"Sana nga sir."

"Okay thank you for the report. You may now go back to your work." Kinuha ko na ang laptop ko saka ako umalis na ng opisina ni papá.

PINUPUSOD ko ang buhok ko habang pababa ng hagdan. Tinawag na kasi ako ni Esperanza mula sa kwarto at malapit na raw kaming maghapunan kaya naman bumaba na ako.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa telepono kanina ma'am. Hindi po nagpakilala pero sabi po ay tatawag daw po ulit siya mamaya." Sabi sa akin ni yaya Judith.

"Ha? Oh eh bakit hindi niyo ako kinatok sa taas kanina?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko siya.

"Eh sinabi niya po kasi agad na tatawag na lang daw po siya mamaya. Hindi ka raw po niya kasi macontact sa cellphone mo ilang araw na raw po ang nakalilipas." Naglakad na ako papunta sa dining habang nakasunod sa likod ko si Judith.

"Sige tawagin mo na lang ako ulit kapag tumawag siya." Umupo na ako sa hapag dahil si papá at Esperanza ay nagsisimula na ring magsandok ng mga pagkain nila.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon