CHAPTER 3: CEBU

1.2K 38 2
                                    

Estrella's POV
Pagkarating ko sa maluwang na sala namin ay naabutan ko si Esperanza na hindi magkandaugaga sa pagtawag sa mga staff niya. Siguro ay may event na naman mamaya kaya nagkakaganito 'to.

Tahimik akong naglakad pero ng maramdaman niya ang presensya ko ay matalim kaagad siyang tumingin sa akin at saka pinatay ang tawag. Kawawang katawagan.

"Umuwi rin si Estrella. Akala ko wala ka ng balak umuwi eh." She's acting like a nagger mother. Gusto kong tumawa pero papatulan ako nito.

"Miss me that much huh?!" Lumapit ako sa kanya at saka ko inabot ang pasalubong ko sa kanya mula pa sa Cebu.

"Hindi kita namiss luka! Akala ko nag crash na yung chopper na sinasakyan niyo. Halos hindi ako makatulog sa pag-aalala sayo."

"Tinawagan naman kita kinaumagahan diba?"

"Tinawagan mo nga ako nung umaga na. Samantalang magdamag na akong tumatawag sayo."

"Nung nasa site kasi kami ay nakasilent yung phone ko at nang manggaling kasi kami mula sa site ay napagod ako ng husto at nalowbatt na ang cellphone ko sa katatawag mo. Umaga ko na nalaman dahil nakatulog agad ako sa tinuluyan namin, kaya umaga na kita natawagan."

"Palusot mo! Ano namang laman niyan?" Sabay nguso sa bag na dala ko.

"Spare clothes na ginamit namin mula nung isang araw."

"Branded ah. Magkano bili mo?"

"Si Mr. Victoria bumili nito yung magpapagawa ng hospital sa Cebu."

"Ay yayamanin gusto ko 'yan!" Pumalakpak pa ito at nag-iba na ang mood.

"Sige na magpahinga ka na. Busy ako mamaya, bukas na tayo magkwentuhan may event kami tonight." Nagbeso kami bago ako umakyat papunta sa kwarto ko.

Pagod kong inilagay ang mga dala ko sa ibabaw ng kama ko at saka ako naman ang humiga. Nakatulog naman kasi ako kanina sa biyahe namin kaya hindi naman ako inaantok. Naalala ko may gagawin nga pala ako!

Excited akong umalis sa kama at saka nagtungo sa mesa kung saan ako madalas gumawa ng mga trabaho sa opisina. Nandito lang naman kasi ang laptop ko at ito ang gagamitin ko sa balak kong gawin. Para akong kiti-kiti habang hinihintay ko na mag-open ang laptop ko.

Napapalakpak pa ako ng sa wakas ay bumukas na 'to. Agad akong nagtungo sa instagram kung saan active raw si Zack sabi ni Pauline. Zack na ang tawag ko sa kanya hanggat Estrella ang tawag niya sa akin.

-FLASHBACK-
"Ikaw ang bahala Zack." Ako na rin ang pumindot ng elevator pababa.

Tinignan ko ulit ang reflection niya sa elevator. Wala na ang pilyong ngiti sa mga labi nito. "Oh bakit ganyan ka?"

"Don't call me that!" Inis na sabi nito pero hindi ko pinansin.

"Then don't call me on my first name." I answered back.

"I don't want to." Pinal na sabi niya.

"Then same here." Masungit na sabi ko.

"Bakit ba ayaw mong tawagin kita sa pangalan mo. Ang sarap kayang bigkasin." Oh don't use your flowery words to me.

"Bakit ayaw mo ring tawagin kita na Zack. Mas maikli 'yon kumpara sa Mr. Victoria o kaya sa Kiano." Nakasunod siya sa aking naglalakad ng makalabas kami ng elevator.
-END OF FLASHBACK-

Gaya ng ibinigay sa akin na pangalan daw ni Zack sa instagram ay sinerch ko ito gamit ang account ko. Oh ten thousand followers?! For real?! Buti na lang at hindi nakaprivate ang account niya kaya naistalk ko kahit na hindi ko naman siya finalow. Ayoko kasi siyang ifollow dahil baka sabihin niya ay hinanap ko pa siya talaga sa social media.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon