CHAPTER 18: SMART

857 24 0
                                    

Kiano's POV
Ilang araw na akong wala sa mood dahil laging hindi sinasagot ni Estrella ang mga tawag ko. Ang huling tawagan pa namin ay nuong linggo kung saan may nasabi akong hindi niya tiyak nagustuhan. Buti nga at hindi pa rin nasisira 'tong cellphone ko kahahagis sa sobrang inis.

Paano ba naman ay anong araw na ngayon! Today is Friday! Limang araw na kaming hindi nagkakausap. Magkikita pa naman kami bukas pero ayaw naman niya sagutin ang mga tawag ko sa hindi ko malaman na kadahilanan. Oh baka naman hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa nasabi ko.

Tinatawagan ko na nga siya para magkalinawan kami pero hinahayaan niya lang mag-ring ang cellphone niya. Tapos nung Miyerkules ng gabi pinatayan ba naman ako ng cellphone. Nakakadagdag pa ng init ng ulo yung kuya ko na si Kian. Gustong-gusto niya ang pagiging miserable ko.

Dumukdok ako rito sa mesa ko. Wala akong pakialam kung malukot ang uniporme ko. Narinig kong bumukas sara ang pinto ko. Hindi ko na pinag-aksayahan ng oras tignan ang pumasok. Mukhang kilala ko na.

"Yow little brother. Mainit pa rin ang ulo mo?! Ano ba naman 'yan! Just tell me kung nireregla ka na naman." Banat nito na ikinainis ko na naman.

"GET OUT KUYA! FUCK YOU!" Tumawa lang ito saka naupo sa couch.

"Chill! Pinagluto kita ng paborito mong fish fillet." Excited na sabi niya.

Ihinagis ko ang stethoscope na nasa mesa ko sa kanya. "Fuck you! You know how I hate fish fillet so much!"

Malakas siyang tumawa. "Napakainit ng ulo mo. Susumbong kita kay mommy mamaya kapag tumawag."

"Tsk I don't care. Siya nga pala kamusta na ang Victory Hotel sa Batanes?" Mind as well mag-open ng topic para hindi puro nakaka-asar na salita ang lumalabas sa bibig niya.

"Hmm so far so good. Nagustuhan ni mommy ang performance ng ProBuild. Excited na siyang matapos kahit na ilang buwan pa ang bubunuin."

Si mommy at daddy kasi ngayon ang nasa Batanes para tignan ang itinatayong bagong hotel nitong kapatid ko. Katwiran nila na masyado na silang nababagot sa bahay kaya sila na lang daw ang pupunta sa Batanes. Ayaw nga ng kapatid ko pero wala siyang nagawa nang magpunta na roon sila mommy at pinauwi na siya. Wala siyang nagawa kung hindi umuwi na lang kasi naiinip din daw siya roon.

Tumayo siya at saka inilapag sa mesa ko ang paper bag. "Chopsuey and korean barbecue for my PMS little brother." Sinamaan ko siya ng tingin pero kumaway lang siya saka umalis na ng opisina ko.

Buti na lang ay pinagdala ako ni kuya ng paborito kong pagkain. Kung hindi ay hindi naman talaga ako kakain sa sobrang inis ko. Magana kong kinain ang luto niya. Worth it naman pala sila mommy sa pagpapaaral kay kuya ng culinary.

Nang maubos ko ang pagkain ko ay naisipan ko na tawagan ulit si Estrella. Nababaliw na yata talaga ako. Sa lahat ng ikinama ko na babae, sa kanya ako pinakaconcern. Kahit na nawawalan na ako ng pag-asa sa tuwing tinatawagan ko siya ay heto pa rin ako at nagbabakasakali na naman.

Mamaya ay magpapatingin na talaga ako kay Dr. Valdez na psychologist dito sa Victory Hospital. Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ko ang katawan ko sa swivel chair ko. I'm so full. Thanks to my crazy insane brother Kian.

"H-Hello..." Napamulat ako ng mata nang sagutin na niya sa wakas ang tawag ko.

Ang kaninang kalmado kong puso ay ang bilis na ng tibok ngayon. What the fuck is up to me?! What the hell is happening?!

"Akala ko hindi mo na naman sasagutin ang tawag ko." Ipinarinig ko talaga sa kanya na nagtatampo ako.

Narinig ko siyang umuubo sa kabilang linya na ikinapag-alala ko. "May sakit ka ba?"

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon