Estrella's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko mula sa pagkakatulog. Nagising ako sa ingay ni Esperanza na mukhang may kaaway yata sa cellphone niya. Kulay pa lang ng kwarto ay alam ko na, na wala ako sa kwarto ko. I'm on my twin's room.Nakita ko siya na nakapameywang sa harap ng bintana niya at tuloy pa rin siya sa pakikipagtalo sa kausap. Isa yata sa hindi na matatanggal kay Esperanza ay ang pagiging bungangera at minsan ay taklesa pa. Matindi pa ang sikat ng araw sa labas pero sa tingin ko ay lagpas tanghalian na dahil sa nakakaramdam na ako ng gutom.
Dahan-dahan akong umupo sa kama niya. Nahagip ng mata ko ang kanang kamay ko na may benda. Naalala ko na pinanuntok ko nga pala 'to kanina ng salamin ko sa banyo. Speaking of my room, kailangan ko pa palang maglinis ng kwarto ko. Yumuko ako at tinignan ang suot kong damit. Nakapangbahay na ako ngayon ng t-shirt at saka cotton shorts. Siguro ay si Esperanza ang nagpalit sa akin.
Maingat akong tumayo dahil sa bahagya akong nakakaramdam ng hilo. Napansin naman ako ni Esperanza kaya tinignan niya ako at saka pinigilan akong umalis gamit ang isang kamay niya.
Umupo ulit ako sa kama niya habang hinihintay siyang matapos sa katawagan. Hindi na rin naman ako naghintay ng matagal dahil natapos na rin naman ang usapan nila ng kausap. Naglakad palapit si Esperanza at saka umupo sa kama niya sa tabi ko. Bumuntong hininga siya bago inilapag ang cellphone sa patungan.
"How are you feeling?" She asked.
"Medyo nahihilo ako pero okay na ako ngayon."
"Saan ka ba kasi nanggaling kagabi? Huwag kang magsisinungaling sa akin." Mahinahon niyang tanong pero may halo pa ring kasungitan.
"Kay Zack. Pasensya na sis pero hindi ko magagawa yung sinasabi mo sa akin na huwag akong masyadong magpakabaliw sa kanya. Masyado na akong hulog sa kanya eh." Yumuko ako at pinakatitigan ang ginamot kong mga kamay.
"Ngayon lang kita nakita magmahal kaya sino ba naman ako para pigilan ka. Ang akin lang naman ay sana magtira ka para sa sarili mo kasi kahit ako hindi ka maililigtas kung wala ka ng natitirang pagmamahal sa sarili mo."
"Don't worry. I will. Pero umaasa pa rin ako na mahalin niya ako pabalik."
"Paalala lang sis ha? Huwag gaanong gamitin ang katawan para suklian niya ang pagmamahal mo. Sa totoo lang yung sex na 'yan bonus na lang 'yan eh. Kaya wag mo naman gaanong gamitin ang katawan mo para mahalin ka niya. Hindi 'yon ganoon. Ipakita mo rin ang kaya mong gawin sa kanya na hindi kayang gawin ng mga babae na dumaan sa buhay niya. Higitan mo sila hanggang sa mapansin niya na iba ka sa kanilang lahat. Baka mamaya laspag ka na at lahat pero hindi ka pa rin niya nagagawang mahalin." Mahabang wika niya.
"Esperanza?! Saan mo naman nakuha yung salita na laspag? Hindi magandang pakinggan!" Inis kong sabi at saka siya tinignan ng masama.
"Narinig ko lang kung saan-saan. Saka ano ka ba naman sis, para namang hindi ka pa sanay sa pagiging straight forward ko."
"Diyan ka na nga! Babalik na ako sa kwarto ko para maglinis at maligo." Tinawanan niya lang ako pero humirit pa siya.
"Kwentuhan mo ko mamaya ah." Alam ko na ang tinutukoy pero nagmaang-maangan ako.
"Ano naman ikukwento ko?"
"Tungkol sa adventure mo kagabi sa bahay ni Mr. Victoria. Huwag mong ipagkaila kasi nakita ko ang chikinini mo sa dibdib at sa iba pang bahagi ng katawan nung bihisan kita." Maharot na sabi niya.
"Esperanza! Isa pang salitang kanto galing diyan sa bibig mo hindi na kita kakausapin." Pananakot ko sa kanya na ikinanguso lang niya.
Lumabas na ako ng kwarto niya at saka dumiretso sa kwarto ko na linis na pala. 'Yon nga lang wala na yung mga gamit na pinagsisira ko kaninang umaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/215209195-288-k213507.jpg)
BINABASA MO ANG
Only To You (R-18 COMPLETED)
RandomThe lady who did everything to please his father. That's me. But when I realized that I'm not happy anymore with what I'm doing, I go against my father. I became a slut. I let someone used my body. I faced the consequences even though it's not my...