CHAPTER 32: SIXTEEN WEEKS

937 24 0
                                    

Estrella's POV
Mabilis kong ininom yung tubig ko sa water bottle na kabibigay lang ni Mrs. Gatmaitan. Naabutan na kasi kami ng pagtirik ng araw habang chinecheck namin ang pagtatayuan ng mall kasama ang iba pang tutulong para mabuo ang mall.

"Naabutan na tayo ng pagtirik ng araw. Kainitan na naman." Sabi ni Mrs. Gatmaitan at naupo sa tabi ko.

"Oo nga ho, pero ganoon talaga. Ayos po yung kondisyon ng lupang pagtatayuan. Ang kailangan na lang po ay angkop ang materyales na gagamitin para sa pundasyon ng mall. Mamaya po pag-uwi ay i-eestimate ko po yung mga materyales na dapat gamitin para rito."

"Alam ko na hindi madali ang pag-eestimate dahil sa dami ng materyales. Sana ay maupisahan na 'to sa madaling panahon." Nagpunas si Mrs. Gatmaitan ng pawis sa nuo sa sobrang init. Dito nga lang may silong sa pwesto namin pero mainit pa rin.

"Pwede na po siguro tayong mag-operate after two weeks Mrs. Gatmaitan. Nakaready naman na po lahat at materyales na lang ang kulang." I said while looking at the empty site.

"Sana nga. Excited na ako sa itatayong mall namin." Magsasalita pa sana ako ng dumating si Mr. Gatmaitan at lumapit sa amin.

"Akala ko nakauwi ka na Engr. Alejandro, buti at naabutan pa kita. Tutulong daw sa pag-eestimate si Architect at si Engr. Oliveros para na rin daw mafinalize na yung mga brand ng bibiling materyales na angkop sa gagawing mall." Inakbayan nito ang asawa pagkatapos na hindi ko maiwasang hindi mainggit.

"That's good to hear Mr. Gatmaitan. Tatawag po ako sa tuwing may update at suggestions. Mauuuna na po ako." Nginitian ako ng mag-asawa at nagpaalam na rin.

"Bye. Ingat sa daan Engr. Alejandro." Kumaway ako sa kanila saka nagpunta sa sasakyan ko na nakaparada sa malapit.

Pagkabukas ko ng pinto ng sasakyan ko ay sumakay na agad ako at saka ko ito pinaandar pauwi na ng bahay. Buti na lang at hindi naman sobrang kalayuan yung pagtatayuan ng mall sa bahay namin kaya hindi ako nangawit sa pagdadrive. Kapag kasi nasosobrahan ako sa pagdadrive ay nangangawit na ako dahil sa bigat ng tiyan ko.

Malayo pa lang si Eloisa ay nakita ko na siyang tumatakbo para pagbuksan ako ng gate. Pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay ay naamoy ko agad ang asim ng sinigang kaya roon na agad ako nagtungo.

"Luto na ba ate Martha?" I asked when I saw her stirring the soup.

"Malapit na po ma'am Estrella. Maupo na po kayo at ipaghahanda ko na kayo." Dahan-dahan akong umupo sa upuan habang sapo ang tiyan ko.

Hinilot ko ng dalawa kong kamay ang magkabila kong sentido dahil sa pagod. Nilibot kasi namin ang maluwang na site kanina para icheck ito. Pinayuhan naman ako ng doktora ko na ayos lang sa akin ang magtrabaho pa at nakakabuti ang maglakad-lakad pero mabilis na akong mapagod dahil sa bigat ng tiyan ko.

Inamoy ko agad ang ulam na inilapag ni ate Martha sa harap ko. "Masama ba ang pakiramdam mo? Sabi ko kasi sayo huwag kang masyadong magtrabaho." Sabi niya at saka ako nilapagan ng tubig sa mesa.

"Hindi naman ate Martha. Medyo napagod lang ako sa ginawa ko ngayon umaga kaya nanlalata na ako." Humigop ako ng sabaw ng sinigang na bangus. "Buti na lang at nandito kayo para asikasuhin ako. Kasi sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin kung mag-isa lang ako at buntis pa sa kambal."

"Naku nambola pa. Sige na kumain ka pa at ng magkalakas ka at saka ang mga baby mo." Masigla akong kumain ng tanghalian at umakyat na rin pagkakain.

Balak ko kasing magpahinga saglit bago umpisahan ang pag-eestimate. I don't want to risk my babies. Ilang buwan na lang ay ipapanganak ko na sila at ayoko na may mangyari sa kanila na masama.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon