Estrella's POV
"Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit ka inabot ng isang taon bago kami makita ah. Si papá kaya ang nagdesisyon non. Nandito lang naman kami ng mga bata naghihintay sayo.""Isang taon Estrella. Isang taon ang binigay sa akin ng papá mo para subukan kung hanggang saan ba ang pagmamahal sayo. Tinakot pa niya ako na kapag nambabae pa ako o hindi kaya naman ay nawala na ang pagmamahal ko sayo sa isang taon na lumipas ay tigilan ko na raw ang mag-iina ko." Hinaplos ko ang buhok niya ng marahan.
"Pinahirapan ka ni papá ng ganon?" Naglalambing naman siyang tumango sa akin.
"Pero mas mahirap palang alagaan ang mga anak natin." He chuckled.
"Sinabi mo pa pero kahit ganon mahal na mahal ko yung dalawa na 'yon." Natatawa kong sabi sa kanya na ngayon ay nakangiti na sa akin. "Magbihis ka na at maliligo na ako. Baka hinahantay na nila tayo sa baba para kumain." Tinulak ko siya ng marahan para umalis sa harap ko pero hindi siya natinag.
"Isa lang Estrella. Isang taon din ako mahigit nabakante." Ungot niya pero hindi ako naniwala.
"I don't believe you. You're a whore Zack." I said while tracing his abs using my index finger.
*VISIT MY RESTRICTED CHAPTERS COMPILATION IN MY WORKS IF YOU WANT A DETAILED BED SCENE OF THIS CHAPTER*
"Z-Zack you're heavy. Magbihis ka na at magbabanlaw na ako." Ilang saglit pa ay umalis na rin siya sa ibabaw ko at saka sa tub.
Dahan-dahan na rin akong tumayo pagkatapos at saka sinubukan kong umalis sa tub pero hindi ko kaya dahil sa nanginginig pa rin ang buo kong katawan. Napansin yata ni Zack na hindi ko pa kayang magshower kaya naman siya na ang nagshampoo at sabon sa akin habang nasa bathtub pa rin ako.
Siya pa nga dapat ang magbabanlaw sa akin pero tumanggi na ako at pinauna ko na siya sa labas para puntahan sila papá. Baka mamaya ay kung ano pang isipin non kung bakit kami natagalan.
Napailing na lang ako habang nagbibihis ng isang t-shirt at cotton shorts. Isang taon na ang nakalilipas pero mahina pa rin ang pundasyon ko para hindi mahulog kay Zack ng paulit-ulit. Bakit ba kasi isa ako sa mga marurupok?!
Kiano's POV
Mabilis ang tibok ng puso ko habang pababa ng hagdan. Sobra-sobra pa sa inaakala ko ang mangyayari ngayong araw. Pagbaba ko sa sala ay wala si Engr. Alejandro at ang mga bata. Dahil hindi ko alam ang pasikot-sikot sa bahay ni Estrella ay sinundan ko na lang ang daan na pinaggalingan ni Estrella at ng mga bata kanina na galing sa swimming.May narinig akong boses at kalampagan ng pinggan sa isang gawi kaya sa tingin ko ay nandoon sila. O kung mga kasambahay naman ang nandoon ay magtatanong ako sa kanila.
Nang marating ko ang kainan pala ay naabutan ko si Engr. Alejandro na masayang-masaya na pinapakain ang kambal na nakaupo sa magkaibang high chair. Lumapit ako sa kanila at saka naupo sa tabi ng kambal matapos kong ngitian ang mga kasambahay na tapos na ring kumain ng hapunan.
"Kanina pa kami naghihintay sa inyo para sabay-sabay na tayong kumain. May iba pa yata kayong ginawa kaya kayo natagalan." Makahulugang sabi ni Engr. Alejandro at narinig ko pa ang paghagikgik ng mga kasambahay.
Nailang ako pero natawa rin ako agad nang gayahin ng kambal ang hagikgik na narinig nila. Pinisil ko ang pisngi nilang dalawa ng marahan. "Oh pakainin mo si Zachy." Sabay lapit ni Engr. Alejandro sa akin ng pagkain ng anak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/215209195-288-k213507.jpg)
BINABASA MO ANG
Only To You (R-18 COMPLETED)
RandomThe lady who did everything to please his father. That's me. But when I realized that I'm not happy anymore with what I'm doing, I go against my father. I became a slut. I let someone used my body. I faced the consequences even though it's not my...