CHAPTER 5: CARE

1K 33 0
                                    

Esperanza's POV
Pagod akong umupo sa sofa namin pagkauwi ko. Sobra akong napagod sa ginawa ko. Paano ba naman may kasal tapos ay bachelors party akong inorganize. Bukas kasi parehas gaganapin. Just great! Sanay naman akong may nagsasabay na event pero sobrang nakakapagod talaga kapag ganoon. Hindi ko naman kasi matanggihan dahil trabaho at may mga trabahador akong umaasa sa akin.

Nanghihina akong humiga sa sofa na nakita ni inang na dumaan sa sala. "Oh halatang pagod ka hija. Bakit hindi ka pa umakyat sa kwarto mo at magpahinga."

Umupo ito sa pang-isahang sofa para siguro magpahinga rin. Sigurado ako na nagluluto na 'to ng hapunan namin.

"Mamaya na ng konti inang. Nakakatamad umakyat. Tignan mo naman kasi inang yung hagdan. Pagkataas-taas bago ka makarating sa kwarto mo ay masakit na ang paa mo." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw talaga Esperanza. Sayang at wala si Estrella, kahit na kayong dalawa lang ang magkapatid ay napupuno pa rin ng ingay ang mansyon kapag magkasama kayo. Akala ko nga ay kapag nagdalaga at nagkatrabaho na kayo ay bihira na lang kayong magkulitan pero nagkamali ako. Mas kumulit pa nga yata kayo ngayon." Napakamot ito sa ulo.

"Oo nga inang, namimiss ko na tuloy asarin yung kakambal ko. Pero matagal pa bago siya bumalik."

May sinabi pa si inang pero hindi ko na naintindihan dahil sa tumunog ang cellphone ko. Unregistered number pero pinili ko na lang na sagutin. Baka customer o kaya kakilala.

"Hello good evening. Esperanza Alejandro, how may I help you ma'am/sir."

"Esperanza s-si Lance 'to. Yung fiancé ni Estrella."

"Oh bakit may problema ba? Diba nasa Cebu ka pa?"

"Oo nandito pa ako. N-Naaksidente kasi k-kanina si Estrella sa site. Nandito kami ngayon sa hospital." Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa sinabi ni Lance.

"A-ANO?! WHAT HAPPENED?!" Nagpapanic na sigaw ko.

"Nahulog siya mula sa 2nd floor ng ginagawang hospital. May bali yatang nakita yung doktor sa kanang braso niya."

Napatayo ako. Hindi pwede! Paano na makakapagdrawing ang kakambal ko kung may bali ang buto niya?! Oh God please no! "NO! HINDI PWEDE 'YANG SINASABI MO. MASISIRA ANG PANGARAP NG KAKAMBAL KO!" Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko.

"S-Sana nga walang nabali na buto sa kanya. Kasalanan ko kasi hindi ko siya tina-"

"Where's my twin sister?"

"We're now here in the hospital. Wala pa rin siyang malay mula ng mahimatay kanina sa pagkakahulog."

"Bakit ngayon ka lang tumawag sa akin tungkol sa nangyari sa kakambal ko?! Dapat ng maisugod pa lang siya sa hospital sinabi mo na sa akin!" Wala na akong pakialam kung masigawan ko pa siya.

"Ngayon lang kasi ako nakakuha ng signal dito. Pasensya na."

"S-Sige pupuntahan ko kayo riyan." Nanginginig ang kamay ko habang hinahanap ang kaibigan ko na may ari ng travel agency sa phone book ko.

"Hello Carmina, may available pa bang flight ngayon papuntang Cebu? Urgent lang."

"Sandali titignan ko." Tugon nito sa kabilang linya. Nanlalamig ang kamay ko habang naghihintay ng susunod na sasabihin ni Carmina.

"Hello Esperanza, mayroon akong nakita. Mayroong available na isang seat at one hour from now ay aalis na. Bukas may three seats na available. Ilan ba ang kailangan mo?"

"Kukunin ko na yung ngayon. Ako lang naman mag-isa."

"Okay."

"Thank you so much. Kailangang-kailangan lang."

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon