CHAPTER 15: WEAK SPOT

1K 22 0
                                    

Estrella's POV
Nagmamadali akong lumabas ng elevator dahil nasa parking lot pala si Lance at hinihintay ako. Buti na lang ay uwian na kaya walang akong problema. Nang makita ko si Lance sa parking area at niyakap ko siya agad.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko pagkuwan.

Nagkamot siya sa ulo at para bang nahihiya. "C-Can you help me to find a good bouquet of flowers for your twin?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "OMG Lance! That was smooth!"

Nahihiya itong yumuko saka ako hinila pero hindi ako nagpatinag. "Come on Lance. Kung gusto mo bigyan ng bulaklak ang kakambal ko, huwag mo na akong idamay. Nasabi ko na sa kanya na gusto mo siya. Be a man!"

Niyugyog niya ang magkabilang balikat ko. "S-Sinabi mo?! Damn Estrella why did you do that?!"

"Huwag ka ngang torpe masyado! Nasabi ko sa kanya nung nag-usap kami tungkol sa kung paano pipigilan ang kasal namin. Hindi ko naman sinasadyang masabi eh." Ngumuso ako.

"A-Anong sabi niya?" I can see the nervousness in his eyes.

"Nagulat siya syempre. Pero nangako naman siyang tutulungan niya tayo. 'Yon nga lang daw malaking gulo kapag nangyari 'yon." Naglakad ako papunta sa sasakyan ko at saka ako sumandal sa hood non.

Sumunod naman siya sa akin saka humalukipkip sa tabi ko. "Umamin na lang kaya tayo sa papá mo na hindi naman talaga natin mahal ang isa't isa. Wala na kasi akong maisip na ibang plano saka 'yon ang pinakasimpleng gawin Estrella. Kahit ano naman ang maging plano natin ay magkakagulo pa rin."

I sighed deeply. "Hindi ko na nga rin alam Lance. Mautak si papá at saka kung sasabihin man natin na hindi natin mahal ang isa't isa ay sasabihin lang non na mapapag-aralan din nating mahalin ang isa't isa kapag kinasal tayo."

"Sabagay tama ka riyan. Pero gusto ko na talagang ligawan ang kakambal mo." Ungot nito.

"Gawin mo ang gusto mong gawin Lance. Gawin mo kung anong magpapasaya sayo at ganoon din ang gagawin ko. Let's go with the flow. Malalaman at malalaman din naman ni papá na hindi natin kayang mahalin ang isa't isa. Saka na tayo magplano na hindi matuloy ang kasal kapg nandoon na tayo sa mismong kasal." Natawa si Lance sa sinabi ko.

"Bahala na nga best friend."

"Bahala na talaga." Nginitian niya ako saka ginulo ang buhok ko.

"Now go. Ikaw na mamili ng bulaklak para kay Esperanza mag-isa. Hindi ko naman alam kung anong gusto niyang bulaklak. Basta yung alam mong magugustuhan niya ang bilin mo." Pagtataboy ko sa kanya at saka ko siya tinulak papunta sa sasakyan niya.

Nang makapasok siya sa sasakyan niya ay kumaway ako mula sa labas ng kotse niya para magpaalam. Binaba naman niya ang bintana ng kotse niya. "Ikaw hindi ka pa ba uuwi?"

"Uuwi na ako. Hintayin muna kitang makaalis. Sinadya mo pa ako rito sa ProBuild eh." Nakangiti kong sabi.

"Tsk fine. Ingat sa pag-uwi."

"Yeah. Yeah ikaw din ingat." Pinaandar na niya ang sasakyan niya pagkatapos. Ako naman ay nakatingin lang sa sasakyan niya hanggang sa hindi ko na 'to matanaw.

Nang mapagtanto ko na para na pala akong ewan na nakatayo rito sa parking lot ay naglakad na rin ako papunta sa sasakyan ko. May sasakyang mabilis ang takbo rito sa parking lot kaya naman mabilis akong tumabi para hindi ako mabangga pero ako yata talaga ang sadya dahil huminto ang van sa tabi ko.

May lumabas na isang lalaki mula sa loob ng van. Hindi naman siya nakakatakot kaya hinayaan ko lang siya na lumapit sa akin. Nginitian niya ako ng makarating sa tapat ko.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon