CHAPTER 25: UNEXPECTED

806 24 0
                                    

Estrella's POV
Nang natanaw ko si papá sa hapag ay kumabog na agad ng sobrang bilis ang puso ko. I've decided to tell him tonight. Hindi ko na patatagalin pa.

Tahimik akong umupo ako sa hapag at saka nagsandok na ng ulam at kanin. Si Esperanza ay wala pa rito dahil nakita ko siya kanina sa sala na may kausap sa cellphone.

Walang imik kaming kumakain ni papá nang dumating si Esperanza. "Kumain ka na at matatapos na kami ng kakambal mo."

Mukhang nasa mood si papá ngayon kaya siguro naman ay hindi siya sobrang magagalit sa sasabihin ko. I get the glass of water to drink. My hand is shaking while drinking. Ni hindi nga ako nakakain ng maayos dahil sa sobrang kaba ko. It feels like the food that I ate was still on my throat.

"Kamusta na nga pala yung checkup niyo kanina? May sakit ka ba Estrella?" Bumaling sa papá sa akin.

Tumingin naman ako kay Esperanza na tinanguan lang ako para sabihin ang totoo. Sinabi ko kasi sa kanya kanina pagkagaling namin sa hospital na ako na ang magsasabi kay papá at sasabihin ko na rin ngayon. Hindi ko na ipagpapabukas pa.

"Oh bakit namumutla kayong dalawa? Malala ba yung sakit na nakita sayo?" Papá continue to eat.

"Papá..." I called him. Parang wala na ring boses na lumalabas sa akin.

He looked at me. "Nagmamakaawa ako papá huwag mo ng ituloy ang kasal." Binaling ko ang tingin ko sa pagkain ko dahil hindi ko kayang tagalan ang titig ni papá sa akin.

"Hindi pwede Estrella. Halos ayos na ang lahat sa kasal niyo. Maraming imbitado kaya naman nakakahiya kung hindi na matutuloy. Ilang linggo na lang ang bibilangin at ikakasal na kayo ni Lance. My answer is no." He said with full of authority.

"B-Buntis ako papá." Hinigpitan ko ang hawak ko sa pantulog kong damit.

"Ano?! Ulitin mo nga yung sinabi mo?!" Napatayo si papá sa upuan.

"Papá nasa hapag tayo. Let my twin sister explain." Esperanza interrupted.

"Buntis ako papá. H-Hindi kakayanin ng konsensya ko na si Lance ang maging ama ng mga anak ko kahit hindi naman." My voice broke.

"MGA?!"

"She's having a twin papá." Esperanza stood up to calm papá that is giving me a sharp glare right now.

"Sino ang ama niyang mga anak mo ha?! Si Kiano Victoria?! Alam na ba niya na nabuntis ka niya?" Lumapit si papá sa akin habang pinipigilan siya ni Esperanza.

Ako naman ay nanatili lang nakaupo. "H-Hindi niya ako papanindigan papá. Hindi niya tatanggapin ang mga anak ko dahil isa lang ako sa mga naging babae niya papá."

Sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko. I wish Zack is with me right now, facing papá. I can't do this alone but I'm still doing for my twins.

"AYAN NA NGA BA ANG SINASABI KO!" Lumapit siya sa akin at saka ako dinuro sa sentido ko. "KAYA KITA INILALAYO SA TARANTADO NA 'YON AY DAHIL SA ALAM KONG SASAKTAN KA LANG NIYA! LOOK AT YOU, AFTER DEFLOWERING YOU HE JUST DUMP YOU LIKE A GARBAGE! HINDI PA NAKUNTENTO AT INANAKAN KA PA!"

Hinila ni papá ang buhok ko kaya napatayo ako. Kinaladkad ako ni papá paakyat sa hagdan. Si Esperanza naman ay panay ang hiyaw habang pinipigilan si papá. Ang mga bantay na nasa sala ay napatingin sa amin pero hindi nila kami tinulungan dahil takot din siguro sila kay papá.

"PAPÁ ANONG GAGAWIN MO KAY ESTRELLA?!" Hinahabol kami ni Esperanza hanggang sa makarating kami sa kwarto ni papá.

Mahigpit ang hawak ni papá sa braso ko kaya hindi na ako nagpumilit na makawala sa kanya. Ayokong irisk ang mga anak ko. Nilock ni papá ang pinto kaya naman si Esperanza ay naiwan sa labas habang panay ang katok sa pinto para pagbuksan siya.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon