CHAPTER 10: REGRET

1.1K 29 0
                                    

Estrella's POV
Kakakain ko lang at katatapos ko lang maglinis ng katawan. This is our fourth night here in Batanes with the team. Naumpisahan na ang construction ng Victory hotel na bagong project namin. Gustong-gusto ko ng tawagan ang kakambal ko para mangamusta pero wala namang signal dito sa loob ng kwarto ko.

Iniiwasan ko kasi na makita ako ni Zack dahil baka maulit na naman ang nangyari sa amin ng magkakasunod na gabi. Hindi ko man aminin sa sarili ko alam ko na fubu na kami ngayon. Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Lance kapag nalaman niya ang mga ginagawa kong kalokohan. Ano na lang ang iisipin ng mga may alam na may fiancé na ako siya pero pumayag pa ako na magpagalaw sa ibang lalaki.

Pinunasan ko ang luha ko na tumulo. Wala na akong magagawa dahil nangyari na. Sana lang ay hindi na 'to makarating kay papá at Esperanza dahil sigurado ako na baka mapatay ako ng isa sa kanila.

Dala ang cellphone ko ay lumabas ako ng tinutuluyan ko para makahanap ng signal. Sana naman ay hindi ko makita si Zack dito sa labas. Ayoko ng dagdagan ang kasalanan ko.

Nang makahanap ako ng signal ay agad kong tinawagan ang kakambal ko. Nagkamustahan kami at nagkwentuhan sa apat na araw na nandito ako sa Batanes.

"Siya nga pala naubos ko na yung stick-o na binili ko sa akin. Pagbalik mo rito bili mo ulit ako ng madami ah." Parang batang sabi nito.

"Marami ka namang pera bakit hindi na lang ikaw ang bumili para sa sarili mo?"

"Syempre mas masarap ang libre." Natawa ako sa sinabi niya.

"Sige bukas pabibilin ko si Lance tapos ipapadala ko na lang sa bahay. Okay na ba 'yon?"

"Gusto ko ganon karami ulit!"

"Why are you so demanding?! Sige na nga bye na. Lumayo pa ako ng konti sa tinutuluyan ko para lang makahanap ng signal. Miss you sis."

"Bye Estrella. Miss you too." Siya na mismo ang nagpatay ng tawag pagkatapos. Bago ako tuluyang bumalik sa tinutuluyan ko ay nagpadala muna ako ng text kay Lance.

To: Lancetod
Kamusta brother-in-law? Nagpapabili ulit si Esperanza ng maraming stick-o kasi naubos na raw niya. Sabi ko sa kanya magpapabili ako bukas sayo at ikaw na ang magdadala sa bahay. Ikaw na ang bahala sa mga stick-o ha?

Pagkasend ko ng text ko ay naglakad na rin ako papunta sa tinutuluyan ko. Pero bago ako makarating sa tinutuluyan ko ay dadaanan ko muna ang kay Zack. Nang matanaw ko na ang pinto ng tinutuluyan ni Zack ay binilisan ko ang lakad.

Saktong ilang hakbang na lang ako sa kwarto niya ay bumukas ito at lumabas si Zack. Hindi niya ako napansin dahil sa nakikipaghalikan siya sa isang babae habang ang isang babae pa na kasama nila ay hinihimas ang dibdib niya. Bigla ay gusto kong umiyak. Ngayon isa na rin ako sa mga babae na kasama ngayon ni Zack. Isang slut, bitch, parausan.

Tumigil na rin sila sa paghahalikan at sabay-sabay pa silang tatlo na tumingin sa akin. Ngayon ko lang napansin na mga foreigner ang kasama niya. Malamang ay mga turista rito sa Batanes. Yumuko ako dahil ako pa ang nahiya. "A-Ah I'm sorry. I shouldn't have watched you guys."

"Estrella." Tinawag pa ako ni Zack pero hindi ko na siya nilingon at tinakbo ko ang kwarto ko.

Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay bumuhos ang luha ko. Ngayon ko lang pinagsisihan na ibinigay ko sa kanya ang pagkababae ko. Bakit ba kasi nahulog ako ng husto sa kanya?! Eh hindi ko naman talaga siya kilala. Bukod sa mayaman ang angkan nila, may-ari sila ng maraming hotel at hospital, panghuli ay kliyente namin sila. Bukod sa buo niyang pangalan na Kiano Zachary Victoria ay wala na akong ibang alam sa kanya.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon