CHAPTER 14: HIS NATURE

975 24 0
                                    

Estrella's POV
Feel na feel ko ang suot kong headband habang sakay ng elevator. Bigay 'to sa akin kanina nung kakambal ko ng magising kaming dalawa sa kwarto niya. Hindi raw niya kasi type kaya ibinigay niya sa akin. Bigay daw 'to ng isang kliyente niya.

Siyang-siya akong tignan ang itsura ko rito sa elevator. Maraming nagsabi kanina na nagmukha akong bata ng kaonti dahil sa suot kong supel na gawa sa pinagdikit-dikit na maliliit na diamonds. Nanibago nga rin ako sa itsura ko kaya hanggang ngayong uwian na ay suot ko 'to.

"Ma'am bagay sayo 'yan. Suotin mo po palagi." Bati sa akin ng isang guard.

Tinawanan ko siya. "Talaga? Salamat." Nilagpsan ko na ang guard at saka ako dumiretso sa sasakyan ko.

May kalayuan pa lang ako ay may natanaw na akong bulto ng tao na nakasandal sa sasakyan ko. Binilisan ko ng bahagya ang lakad ko palapit at napagtanto ko na si Zack pala 'to.

Galit ko siyang hinarap. "Anong ginagawa mo rito?!"

Nagkibit balikat siya at saka humalukipkip. "Sinusundo kita. Alam ko kasi na hindi mo na naman ako sisiputin ngayon." Ginawa na naman niya ang ngiti niya na ikinahulog ko sa kanya ng husto.

"Alam mo nakukulitan na talaga ako sayo. Tigilan mo na ako Mr. Victoria. Parang awa mo na." Pumunta ako sa pintuan ng sasakyan ko at papasok na sana sa loob ng itulak niya 'to pasara.

"Ano bang problema mo?!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses.

"Bakit ba ayaw mong makipag-usap sa akin?!"

"Kasi hindi naman tayo magkakilala talaga. Kliyente ka lang ng kompanya namin." Diretso kong sabi sa kanya.

Nakita ko na tumalim ang mga tingin niya sa akin. "Itong kliyente na 'to ang magpapatunay sa namagitan sa ating dalawa. Tignan natin kung anong sasabihin ng papá mo sa isisiwalat ko." Naglakad ito paalis at saka dumiretso sa daan papunta sa loob ng building namin.

Is he serious?! Tumakbo ako papunta sa kanya at saka ko siya hinigit mula sa damit. Agad naman siyang tumigil at humarap sa akin.

"What?! Akala mo nagbibiro ako na sasabihin ko sa kanya ang mga nangyari sa atin? Then think again Estrella. Dapat nga nung unang araw pa lang na hindi mo ako pinansin ay dapat nagpunta na ako rito para sabihin ang paglalaro natin ng apoy. Pero naghintay pa ako ng ilang araw kasi nga hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko sayo. Ngayon magdesisyon ka kung makikipag-usap ka sa akin o kami ng papá mo ang mag-uusap?"

Kahit gusto ko siyang suntukin ay hindi ko ginawa dahil may mga empleyado na nasa parking lot para umuwi na rin. "Saan restaurant nga ulit 'yon?" Tanong ko na lang.

"Sa Sizzling South. Hihintayin kita roon." Para siyang nanalo sa loto sa laki ng ngiti sa labi at nauna na sa sasakyan niya.

Nang makaalis ang sasakyan niya sa parking lot ay wala akong nagawa kung hindi ang sumakay na rin sa sasakyan ko at nagmaneho ako papunta sa lugar na sinabi niya.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ako nakarating sa sinasabi niyang restaurant. Hindi pa ako nakakakain dito pero nadadaan-daanan ko na 'to. Bumuntong hininga ako bago lumabas ng sasakyan. Kailangan matapos ko na kung ano man ang dapat tapusin.

Paglabas ko pa lang ng sasakyan ko ay nakita ko agad siya na nakatayo sa tabi ng hood ng sasakyan niya na nakaparking malapit sa sasakyan ko. Lumapit siya sa akin at saka ako hinawakan sa siko papunta sa loob ng kainan.

"Let go of my elbow. Baka mamaya may kakilala akong nandito at makita tayo. Baka mamaya kung ano pang isipin nila lalo na at hindi si Lance ang kasama ko." Matigas kong sabi nang makapasok kami sa loob.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon