CHAPTER 22: RISK

780 22 0
                                    

Estrella's POV
Nang matapos ko ang trabaho ko sa araw na 'to ay umalis na ako sa mesa ko at saka nahiga sa kama ko. Akala ko mababagot ako dahil maghapon lang ako rito sa loob ng kwarto ko pero hindi naman. Bababa lang ako kapag kakain at maghapon na ako rito sa kwarto ko.

Nakakapagpahinga rin ako kung kailan ko gusto hindi kagaya kapag nasa ProBuild ako. Pwedeng-pwede ko rin tapusin ang trabaho ko kahit seven na ng gabi.

Ang pinoproblema ko lang ay si Zack. Sigurado ako na tumawag na naman sa akin 'yon ngayong araw. Eh wala namang araw na hindi 'yon tumawag sa akin. Ang ikinakatakot ko pa ay baka puntahan pa niya ako sa ProBuild. Baka magpang-abot sila ni papá.

Napalingon ako sa pinto nang dumungaw si Esperanza. Pumasok naman siya agad ng makita niya ako na nakahiga.

"Hi." Umupo siya sa kama ko. "Nabored ka ba rito?" She asked while looking at my table.

"Nope. Parang mas gusto ko pa nga rito eh. Work from home. Nakakapahinga ako kung kailan ko gusto at kung kailan ko gustong tapusin ang trabaho ko." I answered while staring at the ceiling.

"That's good to hear. Ano nang plano mo ngayon na ayaw kang palabasin ni papá ng bahay?"

"Hindi ko nga rin alam. Ang lalaki ng bantay dito sa bahay. Paglabas mo ng kwarto dalawa agad. Pagtitingin naman ako sa bintana may apat. Kanina sa pinto may dalawa."

"May dalawa pa roon sa gate." She added.

"Kailangan kong makausap si Zack." Ungot ko.

"Tapos ano magiging marupok ka na naman. May mangyayari na naman sa inyo pagkatapos?" Masungit na sabi niya.

I shook my head. "Gusto ko lang talaga siya makausap, Esperanza."

Malungkot siyang tumingin sa akin at saka siya humiga sa tabi ko. "I have an idea!"

Napalingon ako sa kanya. "Let's change our clothes. Magpapanggap akong ikaw at ikaw naman ay magpapanggap na ako. Para na rin makalabas ka at pwede mo ng makausap si Kiano." Maganda ang ideya niya pero siya naman ang babantayan ng mga bantay.

"Eh okay lang sayo na ikaw ang bantayan ng mga bantay?" Paniniguro ko.

"Oo naman. Basta bumalik ka rin mamaya bago gumabi. Kailangan ay maunahan mo si papá. Hindi naman tayo mahihirapang magpanggap dahil nalilito sa atin ang nga bantay. Ako na bahala kila inang." Sabi pa niya.

Hinila niya ako patayo sa kama at saka niya hinubad ang pants at blouse niyang suot. Wala na akong nagawa kung hindi ang hubarin ang t-shirt ko at short. Nang makapagpalit kami ng damit ay sabay naming tinignan ang sarili namin.

"Mas mahaba ng kaonti ang buhok mo sa akin Esperanza." Sabi ko sa kanya dahil parehas kaming nakalugay.

Pinatalikod niya ako sa kanya at saka niya pinusod ang buhok ko ng isahan. Pagkatapos ay nagpusod naman siya ng messy bun. "Oh ayan wala ng problema." Nakangiti niyang sabi.

"Sandali kukunin ko lang yung concealer ko at liquid eye liner."

Hinalingkat ko ang mga makeups ko at nang makita ko na ang dalawa ay mabilis namin tinakpan ang mga nunal niya sa mukha. Nilagyan niya naman ako ng pekeng nunal sa mukha kagaya nung sa kanya at natawa na lang kami nang tignan namin ang mga repleksyon namin sa salamin.

"Sandali sis. Tanggalin mo 'yang kwintas mo. Baka riyan tayo mabuko." Sabay turo niya sa kwintas ko na may pangalan ko. Dahil sa kagustuhan kong makalabas ay hinubad ko ito.

"Paano ko naman ngayon pupuntahan si Zack. Eh hindi ko naman alam kung saan ang opisina niya sa hospital niya. Baka kapag nilibot ko ang Victory Hospital ay may makakilala pa sa akin. Wala naman kasi akong cellphone kaya paano ko siya macocontact."

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon