CHAPTER 12: BLACKMAIL

1K 27 0
                                    

Estrella's POV
Hila-hila namin parehas ni Lance ang maleta namin. Ngayong araw na kasi ang alis namin dahil naka isang buwan na ako rito sa Batanes. Nandito na kasi ang chopper na maghahatid sa amin pauwi ng Manila. Nang makarating kami sa site ni Lance dala ang mga maleta namin ay magkakasama ang team.

Pinuntahan ko sila para magpaalam sa kanila. Niyakap nila ako isa-isa at hiniling na mag-ingat kami sa biyahe pabalik ng Manila. Nasa mesa rin ang engineer na papalit sa akin dito na ipinadala ni papá. Sumabay siya sa chopper na pag-aari ng mga Victoria ng ihatid nito si Kian Victoria na siya talagang nagpagawa ng hotel na 'to. Pagbalik naman ng chopper sa Manila ay ako, si Lance at si Zack na ang lulan ng chopper.

Nag-uusap lang kami ng team tungkol sa report na ginawa namin na ako mismo ang magpapasa kay papá ng dumating ang magkapatid. Binati ng lahat ng good morning ang dalawa maliban sa akin na tahimik lang na nakatingin sa kanilang magkapatid.

"Where's Engr. Alejandro?" Tanong nung Kian sa mga kasamahan ko.

Agad naman akong tinuro ng mga kasama ko at ako naman ay nagtaas ng bahagya ng kamay. "Aalis na kayo sabi nung piloto." Dagdag niya.

"Okay." Tinawag ko si Lance na malapit lang sa amin na busy sa cellphone.

Nilapitan ko na siya dahil hindi naman niya kayang hilahin ang tatlong maleta namin at saka ko siya pinakilala sa kapatid ni Zack nang makalapit kami rito. "Mr. Victoria this is Lance Bartolome my fiancé. Lance he's Mr. Kian Victoria the owner of this building." Pakilala ko sa kanilang dalawa.

Nagkamayan ang dalawa habang si Zack naman ay katabi ng kapatid niya at mukha na namang mainit ang ulo.

"Nice to meet you Mr. Bartolome. Chloe is your sister right?"

"Yes Mr. Victoria why did you ask?" Tanong naman ni Lance.

"Chloe is my girlfriend when we're on on our fourth year high school. Anyway matagal naman na 'yon saka puppy love lang naman 'yon." Tinapik niya sa balikat si Lance at nakipagkamay sa akin pagkatapos.

"Mag-ingat kayo sa biyahe kasi may dragon kayong kasama." Saka siya bumaling kay Zack na sinamaan siya ng tingin.

"Kaya pala laging mainit ang ulo mo tol. Alam ko na kung bakit." Inakbayan nito si Zack at saka ginulo ang buhok nito.

"Tsk. Don't mess up my hair kuya!" Asar na asar na sabi ni Zack at nauna ng pumunta sa chopper na nasa damuhan.

Natatawang bumaling sa amin si Kian bago kami ihinatid sa chopper. Nang nasa himpapawid na kami ay inakbayan ako ni Lance at pinasandal sa balikat niya. Tatanungin ko sana kung bakit pero nakangiting aso lang siya sa akin at hindi ko namalayan na nakatulog ako sa ganoong posisyon namin.

Nang magising ako ay malapit na kami. Si Lance naman ay mahimbing pang natutulog habang nakasandal sa balikat ko. May naisip na naman ako kalokohan at kinuha ko ang cellphone ko saka ko siya kinunan ng kinunan ng litrato sa halip na gisingin. Nang magsawa ako sa kalokohan ko ay lihim akong natatawa habang ibinabalik sa mini bag ko ang cellphone ko. Magagamit ko 'yon pang blackmail sa kanya.

Nang makalapag na kami sa rooftop ng Victory Hotel Main Branch ay mahimbing pa rin ang tulog ni Lance. Si Zack na nasa unahan namin ni Lance ay narinig ko pang nag tsk.

Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko siya kinunan ng video habang ginigising ko siya. "Lance gising na. Kanina pa nakatingin si Esperanza sa atin mula sa baba." Medyo pabulong ko na sabi sa kanya pero ang huli kumunot lang ang nuo at natulog ulit.

Niyugyog ko ang katawan niya gamit ang isa kong kamay at inulit ko ang sinabi ko sa kanya. Agad siyang bumalikwas mula sa pagkakaupo at saka luminga-linga sa paligid na parang may hinahanap.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon