Estrella's POV
Maingay kaming lumabas ng seafood buffet nila Engr. Castillo. Nagkaroon kasi kami ng konting salu-salo ng team dahil sa wakas ay nakauwi na sila rito kahapon galing Cebu. Tinawagan nila ako kanina nung nagtatrabaho ako sa opisina at sumama raw ako sa kanila pag-uwian na namin. Sa isang linggo pa kasi ang pasok nila dahil magpapahinga muna sila mula sa katatapos lang na project."Oh saan na kayo pupunta niyan?" Tanong sa amin ni Engr. Castillo ng makarating na kami sa parking lot ng buffet.
Ang iba ay nagsabing uuwi na habang ang ilan naman sa amin ay may pupuntahan pa kagaya ko. "Sasaglit ako sa mall. Bibili ako ng heels para sa birthday ni Mr. Victoria." Sagot ko. Nagkaroon na naman tuloy kami ng bagong topic.
"Oo nga pala ano? Sa sabado na 'yon diba?" Singit ni Architect Morales.
"Oo sa sabado na. Pumunta kayo ha? Alam niyo ba nung inabot sa akin ni Mr. Victoria yung invitation talagang binanggit niya kayo. Talagang ine-expect niya ang team natin doon kaya walang mawawala." Sumang-ayon naman silang lahat sa sinabi ko at saka nagkanya-kanya ng punta sa sasakyan nila.
Sumaglit ako sa mall para bumili ng heels. Nasira na kasi ang mga heels kong pang party at saka ayoko namang humiram ng heels kay Esperanza dahil walang gaanong heels 'yon. Mayroon man pero yung mabababa lang.
Agad akong dumiretso sa binibilhan ko ng heels tsaka ako nagtingin-tingin sa paligid ng magustuhan ko. Nakaagaw pansin sa akin ang isang silver stilettos na nasa 6 centimeters ang taas.
"Good evening ma'am. Gusto niyo po bang itry?" Lumapit sa akin ang isang sales lady.
"Yes please. Size 6 sana."
"Okay ma'am wait lang po." Habang hinihintay ang sales lady na kumuha ng spare stilettos ay nagtingin-tingin pa ako ng iba at baka may matipuhan pa ako.
"Here you go ma'am." Umupo ako sa isang upuan at saka ko isinukat yung dala niya. Nagustuhan ko naman agad 'to ng maisuot ko kaya kinuha ko na.
Nang mabayaran ko sa cashier ang binili ko ay lumabas na ako at papunta na sana ako sa exit ng makita ko si Mr. Victoria. 'Yun nga lang ay hindi siya nag-iisa. May kaakbay siyang babae at nakalingkis ito mabuti sa kanya. Siya naman ay siyang-siya sa presensya ng babae.
Tumingin siya sa gawi ko at huli na bago ako nakaiwas ng tingin kaya naman nginitian ko na lang siya bago ako naglakad ng mabilis. Baka akalain niya ay sinusundan ko siya.
NASA likuran ako ni papá habang papasok kami sa hall ng Victory Hotel kung saan gaganapin ang birthday ni Mr. Victoria. Katabi ko naman si Engr. Castillo at nasa likod naman namin ang iba sa mga team.
Masiglang tunog ang bumungad sa amin at ang mga bisita ay may kanya-kanyang ginagawa. May nag-uusap, may mga nakatayo at ang iba ang kumukuha ng picture. Nang makita ni Engr. Castillo ang mesa na para sa amin ay dumiretso na kami roon. Naramdaman ko agad ang lamig na nanggagaling sa aircon dahil sa suot kong backless white cocktail dress.
Ilang sandali pa ay natanaw namin si Mr. Victoria na papalapit sa table namin. Ito na naman tuloy yung malakas na pagtibok ng puso ko. Si papá ang una niyang nilapitan. "I'm so glad you made it Engr. Alejandro."
Papá stand up to give Mr. Victoria a man hug. "Thank you for inviting us Mr. Victoria. Happy birthday."
"Oh thank you. Thank you also for doing the great job of our new hospital." He said then he suddenly looked at me. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko tuwang-tuwa siya na makita ako sa katabing upuan ni papá.
"Oh another Engr. Alejandro you're so beautiful. I hope I can dance with you tonight." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang isa kong kamay.
Napatingin ako kay papá na nanunuod sa amin. Gusto ko mang tanggihan si Mr. Victoria dahil nandito si papá at baka sabihin ay lumalandi pa ako eh may Lance na nga. Pero ayoko namang ireject ang birthday boy at saka isa pa ay siya ang nang-imbita sa amin dito. Personal pa nga!
BINABASA MO ANG
Only To You (R-18 COMPLETED)
AcakThe lady who did everything to please his father. That's me. But when I realized that I'm not happy anymore with what I'm doing, I go against my father. I became a slut. I let someone used my body. I faced the consequences even though it's not my...