Estrella's POV
Nanghihina akong umupo sa kama pagkatapos kong magsuka sa banyo. Apat na araw na akong ganito at laging hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko na nga magawa ang trabaho ko rito sa kwarto dahil mas gusto ko pang magpahinga at matulog.Akala tuloy ni papá ay gumagawa na naman ako ng pagrerebelde para makumbinsi siya na hindi matuloy ang kasal namin ni Lance. Sa paglipas ng isang linggo ay halos ayos na ang lahat ng kailangan para sa kasal namin. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Siguro ay dahil isang event organizer ang kakambal ko at saka may pera naman kami kaya hindi naging mahirap ang lahat.
Nung isang araw nga ay kinuhanan na ako ng sukat ng mananahi para sa gown ko. Sa halip na masabik ako sa kasal ko ay lalo akong nalulungkot habang papalapit ang petsa ng kasal namin. May plano na kaming nabuo ni Lance pero hindi ko alam kung magtatagumpay ba kami.
May kumatok sa pinto ng kwarto ko at saka pumasok si Esperanza. Nang makita niya ako na nakaupo sa kama ay umupo rin siya sa tabi ko. She caressed my hair.
"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" She asked.
"M-Medyo. Kagagaling ko nga lang sa banyo para sumuka." Tinanaw ko ang mga puno na tanaw mula rito sa bintana ng kwarto ko.
"Magpacheckup na kaya tayo? Baka naman nadengue ka na?" Kinapa niya ang nuo ko pero wala naman akong sinat. Ilang beses ko na nga sinubukan ang thermometer pero normal naman ang init ko.
"It's been a long time since I had my last period." May kutob na talaga akong buntis ako.
"H-Ha?! Ilang buwan ka na bang delayed?!" I look at Esperanza and she's now pale.
"A-Almost two months."
Hinawakan niya ang magkabila kong panga para patinginin sa kanya. "I'll buy pregnancy test later. Kung buntis ka pwede mong gamitin 'yan para hindi matuloy ang kasal niyo ni Lance. 'Yon nga lang sigurado ako na sobrang magagalit si papá."
"W-Wala akong pakialam kung magalit si papá sa akin ng sobra. Hindi ko hahayaan na siya ang masunod kung sino ang mapapangasawa ko." Kinuyom ko ang kamao ko.
"Paano kung buntis ka nga? Sasabihin mo ba kay Kiano 'yan?"
Umiling ako at nagsimula ng magbagsakan ang luha sa mga mata ko. "Hindi niya ako pananagutan kung sakali Esperanza. Sinabi niya sa akin na wala pa siyang balak magkapamilya. Isa lang ako sa mga naging babae niya kaya wala akong karapatan na habulin siya para sa reponsibilidad. Kasalanan ko naman kasi hindi ako nag-iingat kapag may nangyayari sa amin."
She wiped my tears away. "Tahan na sis. Hindi pa naman tayo sure sa bagay na 'yan. Siya nga pala, kaya ako nagpunta rito ay dahil tinawagan ako ni Lance kanina. May gusto siyang ipasabi sayo." Dahil wala nga akong kahit na anong gadget ay si Esperanza ang nagiging tulay ko para magkaroon ng komunikasyon kay Lance para sa plano namin.
"A-Ano nga pala ang balita?"
"Nakausap na niya yung driver nung sasakyan mong bridal car sa kasal niyo. Siya ang magdadala sayo sa bahay na ipinamana sa atin ni mama. Sa madaling salita siya ang tutulong sayo na makatakas."
"Makatakas? Ibig sabihin sa halip na sa simbahan kami tumuloy para sa kasal ay sa Bulacan kami pupunta? Baka kung anong gawi ng ni papá sa driver kapag nalaman niya na tinulungan ako nung driver makatakas." Ayokong may madamay na inosente sa kagustuhan namin ni Lance.
"Don't worry. Kamag-anak siya ni Lance kaya naman malakas ang kutob ni Lance na hindi gagalawin ng papá mo ang pinsan niya. Saka palalabasin naman namin na naaksidente ang sinasakyan niy-"
BINABASA MO ANG
Only To You (R-18 COMPLETED)
RandomThe lady who did everything to please his father. That's me. But when I realized that I'm not happy anymore with what I'm doing, I go against my father. I became a slut. I let someone used my body. I faced the consequences even though it's not my...