CHAPTER 23: PREPARATION

790 24 0
                                    

Estrella's POV
Napalingon ako sa pinto ko ng may kumatok. "Ma'am Estrella pinapatawag na po kayo ng papá niyo dahil handa na raw po ang almusal. May sasabihin din daw po siya sa inyo kaya raw po hihintayin niya kayo sa baba." Sabi ng isang bantay mula sa labas ng kwarto ko.

Pinunasan ko ang buhok kong basa pa mula sa pagligo. Hindi na ako umiimik at saka lumabas na rin ng kwarto ko. Dumiretso ako sa dining area kung saan ay nag-aalmusal na silang dalawa ni Esperanza.

"Good morning sis." Esperanza greeted me. I just smiled and nooded at her in return.

Nang makapagsandok ako ng almusal ko ay nagsalita na si papá. "Kinausap ko na si Esperanza para ipahiram sayo ang mga brochure niya. Mamili ka na ng mga kailangan para sa kasal niyo ni Lance. Mamaya ay pupunta siya rito para tumulong sa pag-aayos ng kasal."

I didn't answer. I want to argue with him again but I'm getting tired. I look at Esperanza that is also looking at me. I diverted my attention to my breakfast after.

Nauna pa akong matapos sa kanilang dalawa gayong nahuli na akong dumating. Konti lang ang nakain ko dahil nawalan na ako ng gana. Tumayo ako at saka dumiretso sa garden. Tinignan ko ng masama ang mga bantay na sumunod sa akin. Wala man lang akong privacy!

Umupo ako sa bench at saka tinitigan ang mga bulaklak habang nag-iisip kung paano na ang mangyayari ngayon malapit na kaming ikasal ni Lance. Kahit hindi sabihin sa akin ni Esperanza ay alam kong may gusto na rin siya kay Lance. Unlike me takot kasi siya kay papá.

Hindi maipinta ang mukha ko ng makita ko ang dalawang kasambahay na papalapit habang dala ang mga brochure. Inilapag nila ito sa table na nasa harap ko at umalis din sila agad. Tinawag ko ang dalawang bantay sa kwarto ko na nakatayo ilang dipa mula sa akin.

"Maupo kayo." Hindi sila sumunod sa akin g dalawa at nanatili lang sa gilid ng mesa. "Huwag kayong mag-alala. I won't escape." Tinuro ko ang mga brochure. "Kayo ang bumuklat at hanapin niyo lahat ng color blue. Ipakita niyo sa akin pagkatapos."

Saka lang sila umupo sa tapat ko at inumpisahan na nga nilang buklatin ang mga brochure. Sa tuwing may kulay blue na motif itinuturo nila sa akin at tinitignan ko naman kung papasa ba sa taste ko.

"Ma'am ang gaganda nung mga ayos na nandito sa brochure. Diba po ay si ma'am Esperanza ang pinaka organizer dito?" Sabi ni Joco.

Yung dalawang bantay ko na 'to sa labas ng kwarto ko ay kilala ko na dahil kapag may iniuutos ako ay sila ang inuutusan ko. Ang ayoko naman na nakikitang bantay ay si Michael dahil hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa niya sa cellphone ko.

"Yup. She's great isn't she." Tumango ang dalawa at nagthumbs up pa.

"Andrew puntahan mo sila inang at sabihin mo sa kanya na pagdala tayo ng makakain. Nagugutom na ako, hindi kasi ako gaanong nakapag-almusal." Tumayo si Andrew mula sa pagkakaupo at pumasok sa loob ng bahay.

Hindi rin nagtagal ay bumalik na ito at umupo sa kaninang pwesto. "Malapit na raw pong maluto yung champorado ma'am Estrella. Pakihintay na lang daw po."

Tumango ako at bumalik ng tingin sa mga itinuturo sa akin ni Joco.

"Estrella." Tawag sa akin ng kung sino at nginitian ko agad siya ng makita ko.

"Lance!" Tumayo ako sa pagkakaupo at tumakbo palapit sa kanya at saka ko siya niyakap.

"I miss you best friend." He whispered so that no one can hear us.

"I miss you too." Kumawala ako sa yakapan namin at saka siya pinakatitigan.

"You okay?" He asked and worry is on his face.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon