Estrella's POV
Habang naglalakad galing sa gate namin ay nakita ko na si papá na galit na nakadungaw sa bintana sa sala. Galit ang hitsura niya kagaya nung nakaraang nag-away kami. Tsk! Alas sais pa lang naman kung makapaghigpit naman siya sa akin para akong teenager!Ayoko na sanang tumuloy sa bahay namin dahil ayoko na magpang-abot ulit kami pero 'yon yata ang gusto niyang mangyari. Tinapangan ko ang bakas ng mukha ko habang dala ang bag ko at sinalubong ko siya na naglalakad na papunta sa akin. Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin at nahilo pa nga ako ng kaonti.
"NAKIPAGKITA KA NA NAMAN SA LALAKI MO!"
Hindi ko na lang pinansin si papá at nagpanggap na lang ako na walang nangyari. Mabilis ako na naglakad papasok sa loob ng bahay at nilagpasan siya.
"I'M TALKING TO YOU ESTRELLA! HUWAG MO AKONG TALIKURAN!" Huminto ako sa baitang ng hagdan at nilingon si papá na kapapasok lang.
"Talking to me?! You slapped me! Anong gusto mo hayaan kita na saktan ako?!"
"Kailan pa nag-umpisa ang namamagitan sa inyo ni Mr. Victoria?!" Naglakad pa siya ng kaonti palapit sa akin.
"There's nothing going on between me and him." I acted cool so that he won't push it anymore.
"Huwag ka ng magsinungaling. Nahuli na kita sa cctv ng ProBuild. May pahalik-halik pa siyang nalalaman habang nasa compound kayo ng ProBuild. Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakaalam na fiancé mo si Lance?!"
"When will you stop monitoring me huh?! I'm twenty seven already! Kung kailan ako tumanda saka ka nagkaganyan sa akin, samantalang nung bata ako hiniling ko na sana bigyan mo ako ng atensyon. Baliktad ata ang nangyari sayo papá." I said with a thick of sarcasm.
"Hindi ako titigil sa pagmomonitor sayo hanggat hindi kayo naghihiwalay. Hindi siya ang lalaki na karapat dapat sayo. Masasaktan ka lang sa kanya!"
"At sino papá?! Ha sino?! Si Lance?! How many times do I have to tell you that I don't love him! Kay Kiano Victoria ako masaya at kahit na hindi niya ako mahalin pabalik ay wala na akong pakialam. Hayaan mo na lang kasi akong maging masaya!" Hindi ko na naitago ang frustration sa boses ko.
"Sa tingin mo ba magiging masaya ka sa kanya na kabi-kabila ang mga babae?! Ha Estrella?! Hindi kita pinalaki para lang lokohin ng kung sino lang!"
Napangiti ako ng walang buhay. "Like what I've said, wala akong pakialam. Kahit kailan hindi ako humiling sayo ng kahit na ano! Ito lang papá! Ito lang ang hinihingi ko. Hindi naman ako nagrebelde noon at naging mabuting anak naman ako sayo kaya sana naman ay hayaan mo na ako."
"Estrella iniisip lang kita lalo na kapag ibinigay ko na sayo ang ProBuild." Sa haba-haba ng pinagtatalunan namin ProBuild lang pala ang pinaka concern niya.
"PROBUILD?! WALA AKONG PAKIALAM SA PUTANGINANG PROBUILD NA 'YAN! BAKIT PAPÁ TINANONG MO BA AKO KUNG GUSTO KO MAG MAY ARI NG PROBUILD?! BAKIT HINDI MO IBIGAY SA PABORITO MONG ANAK NA SI ESPERANZA!"
Dinuro niya ako. "DON'T TALK TO ME LIKE THAT! I'M STILL YOUR FATHER!"
"FATHER?! TALAGANG TATAY KITA?! HINDI MO NAMAN AKO TINURING NA ANAK KAYA SAAN KA NAGKAROON NG LAKAS NG LOOB NA SABIHIN SA AKIN 'YAN?!"
Nabaling ang atensyon ko sa ilang kalalakihan na pumasok sa kabahayan. Naka t-shirt lahat sila ng itim at nakapantalon. Malalaki rin ang mga katawan nito at nakakatakot ang mga aura nila.
"Get her bag." Utos ni papá at saka lang nagsink in sa utak ko ang nangyayari nang nakipag-agawan na sa akin ang dalawa sa mga kalalakihan na nasa sampu ata.
BINABASA MO ANG
Only To You (R-18 COMPLETED)
RandomThe lady who did everything to please his father. That's me. But when I realized that I'm not happy anymore with what I'm doing, I go against my father. I became a slut. I let someone used my body. I faced the consequences even though it's not my...