CHAPTER 19: GUILT

928 28 0
                                    

Warning: This chapter contains mature content that is not suitable for young readers. You may skip THAT part if you want.

Kiano's POV
Pagkagaling ko sa banyo para maligo ay dumiretso agad ako rito sa open balcony namin. Malakas ang simoy ng hangin dito kaya pinili ko na tumambay muna rito sandali habang nag-iisip. Mula kanina pa sa daan pauwi ito na ang iniisip ko. Sino ang babae na kasama ni Lance?

Ayoko namang paimbestigahan si Estrella kahit na madali lang para sa akin ang gawin 'yon. Gusto ko sa kanya mismo manggaling kung ano ba talaga yung nakita ko. Pinagmasdan ko ang hawak kong sigarilyo na unti-unting nauubos sa bawat hithit ko. Alam ko naman kung gaano kadelikado 'to dahil isa akong doktor pero kapag ganitong may malalim talaga akong iniisip ay hindi ko mapigilan na gumamit.

Inis ko na lang itong tinapon sa baba at saka umalis na ako sa balcony. Makakuha na lang ng alak sa mini bar ni daddy. Hindi naman magagalit 'yon kahit hindi na ako magpaalam pa.

Pagbaba ko sa ground floor ay naabutan ko si kuya na kumakain sa dining area. Nagulat pa siya ng makita niya ako na dumaan.

"Wow! Anong mayroon at nandito ang bunso namin?"

"Tsk. Nagpahatid si ate Zandy dito pagkakain namin sa Bite Eat. Eh tinamad na ako bumalik sa hospital kahit na may duty pa ako." Maikling sagot ko at saka nagtungo sa mini bar ni daddy.

"WHAT?! KUMAIN KAYO NI ATE SA LABAS DI NIYO MAN LANG AKO INAYA?!" Sigaw niya mula sa dining. Nangingiti akong nagsalin ng alak sa baso ko.

"AMPON KA KASI KAYA DI KA NAMIN INAYA!" Pang-aasar ko naman.

"HINDI KO NA KAYO HAHATIRAN NG PAGKAIN NI ATE KAPAG MAY DUTY KAYO. AMPON PALA AH!" Pikon na sabi niya na ikinatawa ko na.

Nang maisara ko na ulit ang bote ng alak ay binitbit ko na rin ito kasama nung baso kong may laman. Uubusin ko na 'tong isang bote na 'to. Nadaanan ko ulit sa dining si kuya na nag-iinarte dahil sa hindi namin siya inaya ni ate Zandy kumain sa labas.

"Oy babawasan mo na naman yung mga alak ni daddy. Kapag may nawawalang bote ng alak doon ako pinagbibintangan." Paninisi niya sa akin ng makita ang hawak ko.

Umupo ako sa tabi niya. "Gusto mo ba?" Alok ko sa dala ko.

"Mamaya, tapusin ko lang 'to. Kaya pala may natira pang ulam na niluto ng mga kasambahay. Kumain na pala kayo ni ate sa labas ha." Hindi talaga siya makaget over sa nalaman. Buti nga sa kanya.

Nakangisi akong uminom sa baso ko. "Alam mo magbar na lang tayo. Tutal nandito ka naman eh. May kasama ako maghanap ng chicks. Ano tara?" Aya niya sa akin nang matapos siyang kumain.

"Sige magbibihis lang ako." Binitawan ko na ang hawak kong baso at saka nagtungo sa kwarto ko na nakakatamad akyatin.

Nang makalabas ako ng bahay namin ay nakita ko si kuya na naninigarilyo sa tabi ng kotse niya na nakaparada sa harap ng pinto ng bahay namin katabi yung kotse namin ni ate.

"Sa Bubblegum tayo. Doon tambayan ng mga chikas."

"Sige roon na lang tayo magkita." Tumango siya at saka sumakay na sa sasakyan niya at humarurot na paalis.

Nang makaalis si kuya ay sumakay na rin ako sa sasakyan ko at pinasibat ko na rin agad paalis. Simula nung matuto kaming magbar ni kuya ay kami ang laging magkasama noon. Sabay kaming gumagawa ng mga kagaguhan noon lalo na pagdating sa mga babae. Dumalang na lang ang paglabas namin ng magkasama nung kami na ang humawak ng mga negosyo namin. Ang huling punta yata namin sa bar na magkasama ay nung January pa. Eh anong buwan na ngayon, May.

Pagkapark ko sa parkingan ng bar ay pumasok na agad ako sa loob ng bar. May ilang lasing na dahil lumalalim na ang gabi. Dumiretso ako sa bar counter kung nasaan si kuya at ang bilis ng loko. May kausap na agad na babae. Lumayo ako ng kaonti sa kanila para umorder ng alak. Mamaya na ako hahanap ng babae kapag medyo tipsy na ako.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon