CHAPTER 29: FLASHBACKS

945 28 0
                                    

Kiano's POV
Hindi ko nga alam kung ano ang minahal sayo ng anak ko.

Hindi ko sinabi sayo na mahal ka niya para mahalin mo rin siya pabalik.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil paulit-ulit na nagrereplay sa isip ko ang sinabi ng ama niya na kaaalis lang. Binalingan ko si mang Rudy na kanina pa yata ako tinatawag.

"Vinideohan ko po yung pagtakas na ginawa ni ma'am Estrella na nakuha ko po sa cctv footages." Inabot niya sa akin ang cellphone niya at saka ko pinanuod ang magkakahiwalay na video.

"Ito po yung kagagaling lang ni ma'am sa sasakyan at papasok na po siya sa tindahan." Kwento ni mang Rudy nang maputol ang unang video.

"Tapos ito po yung pumasok na siya sa loob at saka po lumabas din agad sa exit door na hindi na po makikita mula sa pinaghintuan ko ng sasakyan." Paliwanag niya hanggang sa naputol nga ang video.

Kitang-kita sa video na nagmamadali si Estrella at parang balisang-balisa. Ito rin ang reaksyon niya kanina na nung magpaalam siya sa akin na may bibilihin lang siya sa botika.

"Itong naman pong huling video na kung saan sumakay po siya sa isang puting kotse na walang plate number. Buti na lang po at may cctv sa parking area. Kaya po medyo nagtaka ako kay ma'am kasi hindi na po niya ako pinagparking sa loob 'yon po pala at may sundo po siya roon."

Napakunot nuo ako nang makita ko na may lumabas na lalaki mula sa sasakyang puti at pumasok din agad sa loob kasabay ni Estrella at saka pinaharurot na ang sasakyan. Halatang planado ang pagtakas niya dahil tinakpan ang plate number ng sasakyan. Mahihirapan kahit sino itrace kung nasaan na ang sasakyan nila ngayon.

"Sir patawad po kung hindi ko po nabantayan si ma'am kagaya ng bilin niyo." Palagay ko ay malapit ng umiyak si mang Rudy.

Tinapik ko siya sa balikat para kumalma. "Wala kang kasalanan mang Rudy. Ni hindi natin alam na gagawa siya ng ganoong hakbang."

"Hindi niyo po siya ipapahanap sir?"

"Hayaan nalang natin siya kung 'yon ang naging desisyon niya. Tumakas na nga siya mula sa akin, ibig sabihin ay gusto na niyang magpakalayo-layo. Darating din ang panahon na magkikita ulit kami." Iniwan ko na siya sa sala at nagtungo sa kwarto ko.

Maniniwala na sana talaga ako na mahal niya ako pero sino yung lalaki na lumabas sa kotse na nakuhanan ng cctv?! Halata namang hindi si Lance dahil medyo moreno ito at masyadong matangkad. Baka siya yung tinutukoy na lover ni Engr. Alejandro na napagkamalan niyang ako.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay naamoy ko agad ang naiwang amoy ni Estrella. Binili ko kasi siya ng pabango nung isang araw at nagustuhan naman niya. Napansin ko rin ang mga damit ni ate Zandy na hindi niya nagamit. Wala siyang ni isang tinangay maliban sa suot niya kanina nung tumakas. Pambihira talaga ng buhay.

Estrella's POV
"Mikay tawagin mo yung mama mo at saka kapatid mo." Sabi ni Attorney Barrameda sa kasambahay na nagdala sa amin ng merienda.

Sumunod naman agad yung babae na nasa 20 lang yata dahil mukhang pa siyang bata. "Sila ang magiging kasa-kasama mo rito sa bahay na 'to Engr. Alejandro. Huwag kang mag-alala galing sila kay Professor Hidalgo na kapatid ng mama mo kaya mapagkakatiwalaan mo sila. Dati silang nanilbihan doon na mag-iina."

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon