Estrella's POV
Kagagaling lang namin sa hospital ni Esperanza dahil sa wakas ay tinanggal na rin ang cast sa kamay ko. Dalawang buwan rin akong may cast at dalawang buwan na rin akong hindi pumapasok sa opisina dahil 'yon ang gusto ni Esperanza at sir Alejandro. Dinadalhan naman ako ni sir Alejandro ng gawain mula sa office minsan para hindi mabagot dito sa bahay.Umupo ako sa gilid ng kama ko at bahagyang hinilot-hilot ang kamay kong magaling na. Bilin kasi ng doktor na gawin ko raw ito para sa muscles ko sa braso na matagal hindi nagamit. Narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto ko pero hindi ko na lang nilingon. Si Esperanza lang 'to.
"Oh ito yung mga gamot mo na nabili natin kanina. Natatandaan mo yung mga arm exercises na dapat mong gawin sa braso mo?" Umayos na ako ng higa sa kama saka ko siya tinignan.
"Yup. Sana makabalik na ako sa trabaho. Naiinip na ako rito." Ungot ko.
She smiled at me. "Basta huwag ng pasaway at sundin ang mga sinabi ni doc. Kailangan mong i-exercise ang braso mo para bumalik na sa dati unti-unti ang lakas niyan."
"I-I'm scared."
She sit beside me. "Scared? Of what?"
"Paano kung hindi na ako makapagdrawing Esperanza? Alam mo naman kung gaano ko kahilig ang magdrawing diba? At saka isa akong engineer, paano na ako makakapagtrabaho ng maayos kung hindi na ako makakaguhit?"
Ngayong natanggal na ang cast ko sa kamay ay 'yon na ang inaalala ko. Ngayon pa lang kasi malalaman ng doktor kung babalik pa sa dati ang pagfunction ng isa kong braso.
"Babalik sa dating lagay ang braso mo. Tiwala ka lang. Diba sabi nung doctor hindi naman napuruhan yung wrist mo? At saka hindi naman major fracture yung tinamo ng buto mo kaya malaki raw ang pag-asa."
"Pero kahit na. Paano kung yung maliit na chance na hindi na babalik sa dati ang kamay ko ang mangyari."
Inayos niya ang kumot ko at pinagpag ng bahagya ang kama ko pagtayo niya. "Basta naniniwala akong babalik sa dati ang kamay mo. Kaya ikaw magtiwala ka rin kasi mas kilala mo ang sarili mo. Alam kong kaya mo 'yan. Matulog ka na nga para gumaling ka na lalo."
"Good night."
"Good night din. Ako na magpapatay ng ilaw mo." Lumakad na siya papunta sa pinto at saka pinatay ang ilaw ko sa kwarto bago siya tuluyang lumabas.
Pinilit kong matulog nang makaalis ang kakambal ko pero lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin ako makatulog. Maaga na nga akong naghapunan para maaga rin akong makapagpahinga pero hindi naman ako makatulog. Nang maramdaman ko na may nagbubukas ng pinto ko ay nagpanggap akong tulog. Kapag nakita ako ni Esperanza na gising pa ay pagagalitan na naman ako non.
Narinig ko ang mahihinang yabag nito palapit sa kama ko nang makapasok. Gusto ko ng dumilat pero paninindigan ko na lang na magpanggap na tulog. Kasabay ng paghaplos sa buhok ko ay ang pagdampi ng halik sa nuo ko.
"Sleep well anak. Sana tuloy-tuloy na ang paggaling mo." Mahinang usal ni sir sa tabi ko. Humigpit ang yakap ko sa unan para pigilin ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko kailangan ng awa niya.
Ilang minuto pa siyang nagtagal sa tabi ko at panay ang haplos sa ulo ko hanggang sa umalis na siya. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay bumuhos agad ang mga luha ko sa mata. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang pagtangis ko.
Bakit ganon? Sa halip na gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa sa akin ni sir Alejandro ay lalo pang bumigat. Tanggap ko naman na si Esperanza lang ang anak niya, matagal na panahon ko ng tinanggap. Kailangan ba ay maaksidente pa ako para lang mahalin niya rin ako?!
BINABASA MO ANG
Only To You (R-18 COMPLETED)
RandomThe lady who did everything to please his father. That's me. But when I realized that I'm not happy anymore with what I'm doing, I go against my father. I became a slut. I let someone used my body. I faced the consequences even though it's not my...