Prologue

82 23 0
                                    

"Wow, ang gandaaa" yun lang ang nasabi ko pagkabukas ko ng mata ko.

Dinala niya ako sa isang mataas na lugar. Kitang kita mula dito ang sunset. Alam na alam niya talaga kung paano ako pasayahin. Alam niyang adik ako sa sunset dahil pinilit ko pa syang umakyat sa bubong nun kasama ng phone ko para lang ma-capture ng maayos yung sunset nun.

"Sabi na nga ba't ito ang makakapagpasaya sayo eh" aniya habang nasa tabi ko at nakatingin sakin.

Tumitig ako pabalik at nginitian sya. Ang gaan sa pakiramdam sa tuwing sya ang kasama ko.

"I love you so much sobra sobra" sabi ko habang nakatitig sa  mga mata niya.

He chuckled.

"So much na nga, sobra sobra pa. Baka malunod ako niyan" aniya ng natatawa.

"Panira. Seryoso nga kasi Mahal kita" napakamot ako ng ulo dahil sa kalokohan niya.

Lumapit sya sakin at niyakap ko.

"Syempre mas mahal kita. Sobra sobra sobraaa" sabay halik sa noo ko. Dahilan kaya napangiti ako.

---

When everything is so perfect but in just one *poof* it's gone.

I loved you. No, let me rephrase it. I LOVE YOU, yes until now. 3 years na ang nakalipas.

Bigla kang nawala. Literal na nawala at di na babalik.

---

Kakatapos ko lang mag shower ng biglang may tumawag sakin.

*Tita Janice calling*

Huh? anong oras na ba? Bat tumatawag pa si tita ng 11pm? Bigla akong kinabahan dahil di naman basta basta tumatawag sakin si tita eh. Dahil alam kong masama ang loob niya sakin na ako ang naging girlfriend ni Jace.

Kaya kahit nagtataka at kinakabahan ay sinagot ko ang tawag niya.

"H-hello po tita?" sabi ko pagka sagot ng tawag.

(Kiara..) may kung ano sa tono ng pananalita ni tita na naging dahilan ng pag double ng kaba ko.

"Bakit po tita? A-ano pong nangyari?" kinakabahan na talaga ako.

Hindi kami okay ng mommy ni jace pero heto sya at tumatawag sakin.Hindi niya ako tanggap para kay Jace kaya himala na tinawagan niya ako ngayon.

(Kiara, anak) - tita

Anak? tinawag niya akong anak. Diko alam kung matutuwa ako pero mas nangibabaw ang kaba dahil mukhang paiyak na si tita.

Ano ba talagang nangyayariii?

"Tita? bat po kayo umiiyak? bakit po? May nangyari po ba kay Jace?" sunod sunod na tanong ko.

Hindi sumagot si tita at humagulgol lang. Ano ba to? bakit sya umiiyak?

Hinayaan ko lang syang umiyak hanggang sa medyo tumahan na siya bago nagsalita.

(Kiara, si J-jace. Si Jace y-yung anak k-ko. Nadisgrasya) nauutal na sabi ni tita.

Nanlamig ako bigla? sht! nagkamali ata ako ng dinig. Pero mas nanlamig pa ako sa sumunod na sinabi ni tita.

(W-wala na sya. P-patay na si J-jace. Di niya K-kinaya yung pagkabagok ng ulo niya kiara. W-wala na sya.) ani ni tita habang humahagulgol.

Halos humiwalay ang kaluluwa sa katawan ko dahil sa narinig. Tell me? mali yung narinig ko diba? Bumagsak yung phone ko at napatakip na lamang sa bibig at napahagulgol din.

Si Jace? yung taong mahal ko at kasama kong tutupad ng pangarap? Wala na? Patay na?

Ayokong maniwala. Hindi totoo yun. Nangako sya eh. Nangako sya!

Sa kakaiyak ko diko na namalayan na nakatulog ako sa sobrang pagod.

Kinabukasan pag gising ko ay nagpunta agad ako sakanila. Pero wala akong nadatnan doon kundi ang kasambahay lang.

"Naku maam. Pumunta na po ng ibang bansa sila maam Janice. Doon na daw po sila titira eh" aniya.

Di man lang kita nakita kahit sa huling pagkakataon. Ang sakit .. sobra.

---

Nasa process na ako ng pagtanggap at pag momove on ng biglang may dumating na hindi inaasahan.

At ang malala, kamukha mo pa.

Ano ba naman yan lord. Nananadya ka ba? Joke ba to? Sinasaktan mo ba talaga ako? Bat naman ganito? Hirap na hirap na nga ako tapos ganito pa?

Paano ako makakamove on neto?

>>

Note: First time ko mag sulat ng story kaya sana magustuhan niyo. Thanks! 💚

In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon