*Kiara's P.O.V*
"SURPRISEEE!" aniya pagkatanggal ng panyong nakatakip sa mga mata ko.
Nanlalabo ang mata ko kaya nag adjust muna ako sa mga ilaw na nasa paligid ko bago ko nakita ang kabuoan nito.
"Wow. Grabe ka! Ikaw ba gumawa nito?" sabi ko.
Sobrang ganda ng paligid. Andito kami ngayon sa loob ng condo niya. Pero mukhang hindi ito ang condo niya dahil sa set-up nito ngayon.
Nakaopen yung yung kurtina kaya kitang kita mula sa malaking glass window ang city lights dahil mataas ang lugar namin ngayon.
May nakalatag na tela sa sahig tas andun yung nga pagkain. Madilim sa buong condo pero may mga nagkalat na christmas lights kaya kitang kita ang nga nakasabit na pictures naming dalawa. May mga balloons pa na nagkalat kung saan saan.
"Syempre. Kaya hindi kita narereplyan kanina eh. Eto ang ginagawa ko haha" sabi niya habang nagkakamot pa ng noo.
Nakuuu nahiya pa ata sa ginawa niya. Di ko akalain na gawa ng lalaki to kasi sobrang wow talaga. Nakangiti akong humarap sakanya na nakatayo lang sa likuran ko ngayon.
"Ang ganda. Sinurpresa mo nanaman ako. Ikaw talaga!" sabay pitik sa ilong niyang matangos.
Napasimangot naman sya saglit pero ngumiti din pagkatapos. Haha kyot!
"Happy Anniversarry!" aniya sabay yakap sakin mula sa likod. Pinatalikod pa ako para lang may back hug eh.
Anniversarry? oh shoot! napatampal pa ako sa noo ko. Kaya pala parang may nakalimutan ako mula pag gising ko kanina. Anniversarry pala namin. Tanga mo naman kiara! Nagiging makakalimutin ka na ah!
"H-happy anniversarry" sabi ko nalang sabay ngiti para di masyadong halata na nakalimutan ko.
Na guilty ako bigla sa effort niya. May pa surprise sya samantalang ako nakalimutan ko. Haaays!
Pinitik niya bigla yung noo ko. Aray ko poooo! Lakas pumitik letche.
"Bat ka nautal? nakalimutan mo noh?" sabi niya habang nakapamaywang pa. Nagmukha tuloy syang si mama. HAHAHAHA
"Aray ko po naman! Masakit yun Jace Alexander Alcantara ah." sabay kamot kamot pa sa noo ko.
Sigurado ako namumula na to ngayon. Sakit. huhu :< Mapanakit ka Jace. Sinaktan mo akoo! Charot.
"Ay patingin nga ako? Sorry na. Ikaw kasi bat mo kinalimutan. Akin na kikiss ko" - sabi ni jace na halatang guilty din. Hinalikan pa ako sa noo kung san niya ako pinitik.
Kasalanan ko naman talaga eh gusto ko lang syang asarin. Ang cute niya kasi mag alala, pero sya pa yung nag sorry. Napaka mo talaga Kiara.
"Baliw joke lang. Ako dapat ang mag sorry eh. Sorry nakalimutan ko. Debale ang mahalaga mahal kita HAHAHA" yun nalang ang sinabi ko ng natatawa sabay yakap sakanya.
"Pasalamat ka, Mahal kita eh" at niyakap din ako. Mapipisat ata ako sa yakap neto.
"Mas mahal kaya kita" tas niyakap ko sya ng mas mahigpit. Di ako papatalo noh.. Mas mahal ko talaga sya :)
"Sarap ng yakap ah. Higpit eh HAHAHA. Ito yung hinding hindi ko makakalimutan kahit kelan eh Kahit siguro mamatay ako haha" aniya habang nakayakap pa din sakin at nakapatong ang baba sa tuktok ng ulo ko.
Napahiwalay ako bigla sakanya dahil sa sinabi niya at hinarap agad sya. Bat ganun naman pinagsasabi nito? Parang anytime mawawala sya sakin ah.
![](https://img.wattpad.com/cover/222117914-288-k844235.jpg)
BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...