"CONGRATS!"Sabay kaming napatalon ni xander dahil sa gulat ng confetti at sigawan ang sumalubong samin pag pasok ng room.
Kakatapos lang ng foundation week kahapon at walang pasok ngayon kaso bigla akong may na recieve na text galing kay Dean na kailangan daw pumunta sa university ngayon dahil may sasabihin sya.
Nakita ko si Xander ng papasok na ako ng parking lot kaya sabay na kaming naglakad papunta sa room since sabi ni dean na dun na daw dumiretso.
At yan na nga ang bumungad samin. Kumpleto ang klase pati si cassy andito na. Kahit si dean ay andito kaya kahit nagulat ay pilit akong ngumiti sakanila.
"Congrats to the both of you. Hindi niyo binigo ang buong department. At ikaw naman kiara, sabi na nga ba't kaya mo yun eh. Thank you sa inyo pareho. Congrats ulit." ngumiti si dean pagtapos niyang sabihin yun. "At bilang pasasalamat ng HRM department, may mga pagkain dito na gawa ng mga Culinary students na kaklase niyo at ang set up naman ay gawa din ng mga hotel operation na kaklase niyo din. Nakakaproud tong block niyo." pagpapatuloy p ni Dean na halatang tuwang tuwa.
Napatingin ako kay Xander na nasa likod ko ngayon ng nasa pagkain na ang atensyon ng lahat.
I still can't believe that I really make it. Nalampasan ko yung pageant with a title kasi nakuha ko ang Ms. University unexpectedly since magagaling din ang ibang candidate lalo na sa Q&A.
While Xander got the title of Mr. University. Well, expected ko na yun lalo na nung sumagot sya sa Q&A.
"Congrats. Diba sabi ko sayo. We will work as partners. And there, nagawa natin." sabay kindat pa after niyang sabihin yun.
Natawa nalang pagkatapos ay ngumiti. "Congrats din sayo. At salamat sa pag alalay. Muntik na akong sumuko dun ah. Buti nalang anjan partner ko. Naks haha!"
Tinapik ko sya sa balikat habang medyo natatawa. Babaw ng kaligayahan ko ngayon.
Siguro dahil kahapon pa ako masaya tas ngayon may pa surprise sila.
Hinila ko na si Xander palapit sa mga pagkain. "Tara kain na tayo. Gutom na din ako haha! Nagmadali ako pumunta dito." binigyan ko pa sya ng plate at kutsara bago ako kumuha ng pagkain ko.
Sumunod din naman sya hanggang sa maka upo kami sa tabi ni Cassy na magaling na ngayon.
"Congrats Kiaraaaa! Buti nalang ikaw ang pinalit sakin. Blessing na din ata na nagka allergy ako kasi kung ako ang sumabak dun baka natalo pa HAHAHAHAHA" napahampas pa sakin ni Cassy habang sinasabi yan. Tsk tsk! Nagbalik na ang abnormal.
"Aray ko ah. Tigilan mo nga yang paghampas. Sisipain kita pabalik ng hospital ehh." natatawang inirapan ko sya. "Atsaka for sure kung ikaw ang lumaban dun siguradong mananalo din. Bestfriend kita eh. ayiieeee.." tinusok tusok ko pa sya sa tagiliran kaya naman pa bounce bounce syang umurong palayo sakin habang tumatawa.
"Tama na! Baka matapon yung pagkain." sabi niya at umayos na ulit ng upo.
"Na miss kitang abnormal ka ah." sagot ko sakanya sabay subo at napatingin kay Xander na tahimik na kumakain sa tabi namin.
Anong nangyari dito? Naputulan na ata ng dila. Himala kasi di sya nakikiasar samin ni Cassy ngayon.
"Awiieee namiss din kita!" niyakap niya ako. "Oy bespren #2 musta? Tahimik natin ngayon ah? Nakausad na ba?" bigla niyang tanong kay Xander.
![](https://img.wattpad.com/cover/222117914-288-k844235.jpg)
BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Подростковая литератураAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...