"Pose muna kayo jan then lakad paharap, Pose! Maghiwalay, punta sa magkabilang gilid. Magpapakilala kayo jan. Then punta ulit sa gitna. Pose ulit! Perfect!" boses lang ng trainor nila ang umaalingawngaw sa buong gym.
Kasalukuyan na silang nag papractice, samantalang nakaupo lang ako sa tabi. Ako lang mag isa ang nanunuod dito since bawal naman pala manuod kasi nga event ng school to. Pag pinanuod na nila edi hindi na exciting!
Muntik na din ako palabasin ng trainor nila kanina kung hindi lang sinabi ni Cassy na kasama ko sya.
"Water break muna guys!"
Nakita kong dali daling bumaba ng stage si Cassy at sakin dumiretso. Super hyper pa din na parang hindi napagod.
"Kiara tinitigan mo ba si Xander?" bulong niya agad sakin. So ganun na ang pambungad niya ngayon?
"Gagu ka ba? Malamang hindi- slight lang. Nakakahiya ka Cassy. Baka makahalata yan!" saway ko sakanya ng makitang kay Xander siya nakatingin habang kausap ko. Ngingiti ngiti pa kasi na parang nang aasar.
"What? di makakahalata yan. Ano ba! Manhid nga sya diba? Wait lang, XANDER!!" huli na para awatin ko sya dahil nakalingon na samin si Xander ng bigla niyang tawagin.
Kita mo to! Papatayin ata ako ng babae na to. Alam na nga niyang halos di ako makahinga pag anjan si Xander eh. Tas tatawagin pa.
Napayuko ako bigla ng makitang papalapit na si Xander. Minumura ko na din si Cassy sa utak ko. Pucha!
"Angat mo yang ulo mo Kiara. Baka mahalata ka." bulong sakin ni Cassy. Kaya agad kong inangat ang ulo ko.
"Wassup! Hi Kiara!" pambungad niya. Binati din ako na parang walang nangyari.
"H-Hello." bati ko din ng di makatingin sakanya kasi naiilang ako sa ngiti niya. Nahihiya ako wtf!
"Hoy Xander. Baka matunaw aba! Sama ka sa milktea house mamaya? Libre mo!" agad akong napatingin kay Cassy dahil sa sinabi niya.
Una dahil niyaya niya si Xander. Pangalawa dahil sinabi niyang libre ni Xander pero ang sabi niya sakin kanina ay sya ang manlilibre. Kita mo talaga tong babaeng to!
"Wow ah! So yayayain mo ako para ilibre ka? Gumastos ka kaya!" sabat ni Xander.
Parang nawala ako bigla sa paningin nila ah. Di na ako pinapansin kasi sila nalang ang nag uusap.
"Di lang naman ako ang ililibre mo eh. Pati si ahem Kiara. Dibaaa?" pinandilatan niya ng mata si Xander. Close na close na talaga silang dalawa.
"Sige na nga. Game ako mamaya!" pag payag ni Xander. Mukhang no choice eh..
"Madali ka na palang kausap ngayon ehh. Na sakin ang alas! HAHAHAHAHA!" rinig ata sa buong gym ang tawa niya kaya napalingon din ako sa ibang tao pang andun.
Mukhang wala naman silang pake at may kanya kanya silang mundo. Sanay na siguro sila sa tawa ni Cassy. Jusko po! HRM department pa naman.
"Edi nasayo lang. Magiging akin din naman. Someday!" nakangiting sabi ni Xander.
Ano ba yung alas na pinag uusapan nila? Nagsusugal ba tong mga to?
"Aba tsong! Pano magiging sayo kung torpe ka. Galaw galaw baka pumanaw. Diba Kiara?" bumaling agad sakin si Cassy kaya sakin din napunta ang tingin ni Xander.

BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Novela JuvenilAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...