"Hoy Kiara! Ano? Naka move on ka na? HAHAHAHAHA!" nang aasar na sabi ni kuya Chris. Lakas pa ng tawa hanep! Ganda ng pambungad eh.
Inirapan ko naman sya agad. Minsan talaga hindi ko maintindihan tong si Kuya Chris. Minsan seryoso pero kadalasan abnormal!
"Vitamins mo bang asarin ako kuya ha?" I pouted. Ano bang meron sakin? Bat gustong gusto nilang nakikita na naiinis ako.
"Hahaha! Oo nga. Vitamins ko na ata ang asarin ka!" natatawa pa ding tugon niya. Ilayo niyo sakin toooo! Sasapakin ko talaga yan.
Ngumisi ako sakanya. "So, ako pala nagpapalakas sayo."
Kita kong natigilan sya at tumingin sakin. At napatitig pa sakin.
"Banat ba yun? Galingan mo minsan ah. Ang corny kasi eh HAHAHAHAHA!" aniya tapos tumawa nanaman sya ng pagka lakas sa harap ko.
Hmp! Oo nga. Ang corny nga nun.. Tss!
"Alam mo kuya? Lumayo layo ka sakin. Sasapakin na talaga kita jan eh!" inangat ko pa ang kamao ko para ipakita sakanyang seryoso ako pero naging dahilan lang yun para mas lalong lumakas ang tawa niya.
Napalingon ako sa paligid at kita kong halos lahat ng nakatambay dito sa forest ay sakanya na nakatingin. Kita mo to! Di man lang makaramdam ng kahihiyan. Andami pa namang naka tambay sa forest ngayon kasi wala ng masyadong ginagawa dahil busy ang bawat department sa papalapit na foundation week.
"Tss. Sigeee. Tawa pa kuya. Masamid ka sana." bulong ko habang nakatingin ng masama sakanya. Tawa pa din kasi sya ng tawa dun na halos hindi ka makahinga. Kitang kita ko na ngala ngala niya letche!
Nakita kong bigla niyang tinapik tapik ng malalakas ang dibdib niya at napa ubo ng halos lumabas na ang baga ng bigla nga syang masamid sa sarili niyang laway.
Napangisi ako at Nagpa lobo nalang ng pisngi para pigilan ang sarili ko sa pagtawa. Pero kahit anong pag pipigil ay kusang kumawala sa bibig ko ang tawa kaya napabaling sakin si Kuya at tinignan ako ng masama.
"Karma mo yan kuya. Sige, tawa pa nga kasi." nang aasar din na sabi ko habang patuloy pa din ang pag ubo niya.
Naawa naman ako bigla kaya inabot ko na sakanya yung bottled water na hawak ko.
"N-Nainuman mo na y-yan. B-Baka may virus." sabay tinapik niya ulit ng malakas ang dibdib niya. Nakita ko na din nangingilid ang luha niya. Tss! Hanep!
"Nag hihingalo ka na, Maarte ka pa din? Tsaka wala akong virus! Kung ayaw mo nito edi mamatay ka jan!" nilapag ko yung tubig sa may table at inirapan si kuya chris. Napaka arte!
Pero inabot niya pa din naman yung bote na nasa harap ko at dali daling uminom. Huminga hinga pa sya ng malalim bago naka recover sa pagkasamid niya. Nakita ko pang may tumulong luha sa mata niya dahil siguro sa sobrang pag ubo kanina.
Hinanap ko agad yung nalabhan ko ng panyo niya at inabot agad sakanya.
"Oh panyo mo. Punasan mo yang pawis at luha mo." sabi ko sakanya. Napatitig lang sya panyo at hindi gumalaw.
Anyare dito? Napunta ata sa utak yung ubo niya. Tss! At dahil hindi niya pinansin yung panyo na inaabot ko ay ako na mismo ang lumapit sakanya at nagpunas ng luha at pawis niya sa mukha. Na estatwa na ata si Kuya dahil kahit pag kurap ay di niya magawa.
Pinitik ko nga sa ilong bago sya natauhan.
"Aray ko! Masakit yun ah!" inipit pa niya yung ilong niya na namumula na ngayon.
BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...