Chapter 25

14 6 0
                                    


"Anong talent natin sa pageant?" tanong ko kay Xander.


Dalawang araw nalang bago ang pageant pero ngayon lang namin napag usapan ang para sa talent namin.


Masyado kasing naging busy nung mga unang practice ko dahil tinutukan ako ng trainor para matutunan ko agad. At break time lang namin ngayon ng 30 minutes kaya ginamit ko nang chance to para maka usap ko sya.


"Ano bang kaya mo? Talented kasi ako eh. Ako na mag adjust para sayo. Haha!" natatawang sagot niya.


Hinampas ko sya sa braso at inirapan. Grabe! Napaka hangin talaga kahit kelan!


"Di ka matinong kausap eh. Seryoso nga kasi ako!" inirapan ko sya kaya mas lalo syang natawa.


Hilig talaga nila na nakikita akong naasar. Tapos sasabihin nila "ang kyot mo kasi mapikon" tss.


"What? pft! Seryoso naman ako ah. I can sing, dance, and act. Mag magic pa tayo kung gusto mo eh. Kaya nasayo ang desisyon baby.." kinindatan pa ako.


"Sing nalang tayo. Kulang na tayo sa oras eh. Dalawang araw tayo makakapag practice dun. And by the way Mr. Xander, I can sing, dance and act also. Hindi lang ikaw kaya wag kang mahangin jan." ngumisi din ako at tumawa.


"Well, That's my baby! Hahahaha--Aray!" hinampas ko sya.


Ayan nanaman kasi yung endearment niya eh. Ayoko na nga kasing umasa!


"Tigilan mo yang 'baby' 'baby' na yan ah. Masasapak na talaga kita kapag narinig yan ng fans mo. Mapapahamak ako jan eh." tumingin ako sa harap. "Yung talent ang pag usapan natin. Okay na yun? Kanta nalang? Dala akong gitara."


Nag thumbs up naman sya. "Okay baby, dadala din akong gitara."


Tigas ng ulo. Sinabi na ngang wag akong tawaging baby eh. hmp!


Inirapan ko nalang sya pagkatapos niyang sabihin yun. Ayoko na nga syang sawayin. Di naman nakikinig eh!


Naghintay pa kami ng ilang minuto bago kami tinawag ulit ng trainor at nagpatuloy sa practice maghapon.



"Kiara! Wait up."



Napatigil ako sa paglalakad palabas ng gym ng marinig ko ang tawag ni Xander. Kakatapos lang ng practice namin at balak kong dalawin si Cassy na nasa hospital pa din ngayon.



"Bakit?" tanong ko pagharap sakanya. Tumakbo pa sya papunta sakin at ngumiti. Shet!



Umiwas naman agad ako ng tingin. Natutunaw ako sa ngiti niya. Lakas pa din ng epekto niya sakin. Putek!



"Uwi ka na?" tanong niya.


Umiling ako. "Hindi pa, punta akong hospital ngayon. Dalawin ko si Cassy eh. Baka nabobored na yun sa pag mumukha ni Kuya Chris." nakangiti kong sabo sakanya.



Pansin kong nag dilim nanaman ang mukha niya pero agad ding nawala at sumimangot nalang bago humarap sakin. Problema naman nito?


"Andun yung kuya niya?" napakamot sya sa batok. "Pwede sumama?" nag alangan niyang tanong sakin.



Pinanliitan ko sya ng mata at tinitigan ng mabuti. Gusto niya ba makita si Kuya Chris?



"Bakla ka ba? Bat gusto mo makita si Kuya Chris?" tanong ko agad sakanya.



Napaatras naman agad sya palayo sakin na parang napaso. Nanlalaki ang matang tumingin sakin na parang nahuli sa akto. Gotcha!



"WHAT THE FUCK? Pinag sasabi mo jan? Hindi ako bakla. Hindi ko din gusto makita ang Kuya ni Cassy. Bat mo naman naisip yun?" mukhang nandidiri pang sabi niya.



In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon