Chapter 6

26 13 0
                                    


"Oyy!" 

Napatalon pa ako sa gulat ng may biglang kumalabit sakin habang nananahimik akong naka upo sa playground.

Agad akong lumingon para makilala kung sino yung taong yun ngunit parang nawala yung inis ko ng makilala na sya yung lalaking umiiyak nung nakaraang linggo sa ilalim ng puno.

Nakatakip ang kamay niya sa bibig at mukhang nagpipigil ng tawa dahil siguro sa reaction ko kanina. Grrr! Nakakahiya yun.

"Sige na tumawa ka na jan. Baka mautot ka pa kakapigil mo." sabi ko at umayos nalang ulit ng upo.

Nahihiya ako! tsk.

"Hahaha Sorry nagulat kita. Gusto ko lang magpasalamat dun sa pag comfort mo last week." aniya tapos umupo din sya sa tabi ko.

"Ah hindi wala yun. Okay ka na ba?" tumingin ako sakanya habang naghihintay ng sagot.

Pogi pala to? Ngayon ko lang napansin dahil umiiyak sya nung unang beses ko sya nakita.

Maputi sya, Makinis- wala man lang bakas ng pagdurusa yung balat niya, Makapal na kilay, Mahahabang eyelashes- baka pinahaba niya? Ang haba kasi eh, Matangos na ilong, tapos napatingin din ako sa labi niya. Sht! Nag lilipstick ba to?

Iniwas ko na agad yung tingin ko ng nakita kong titingin na sya sa gawi ko.

I heard him chuckle. Tae nakakahiya ka Kiara. Alam kaya niyang nakatitig ako sakanya kanina?

"Hmm. No, di pa okay eh. Pinipilit kasi ni mommy yung gusto niya. Kahit di ko naman gusto yung babae na pinapaligawan niya sakin." aniya.

Akala ko tapos na sya mag salita kaso hindi pa pala.

"Ano masasabi mo sa itsura ko miss? Naramdaman ko kasing nakatitig ka kanina." dugtong niya. Feeling ko nakangisi pa to ngayon.

Sabi na eh. Alam niya na tinititigan ko sya kanina. Nakakahiyaaaaa!

"Uhh hindi ako nakatitig ah! Napatingin lang kasi ngayon ko lang nakita ng maayos yung mukha mo. Last time kasi umiiyak ka nun at may sipon Hahahaha!" pang aasar ko din. Kala mo ah!

"Kailangan ba namang ulitin yun? Tsaka wala akong sipon nun! Luha lang meron noh. grabe ka!" nakangusong sambit niya.

Luh? bat ang cute. Napatitig ako sakanya at sa labi niya nakapout.

Sht! Anong nangyayari sakin? Gusto syang ibulsa at iuwi nalang dahil sa ka cute-an niya.

"Miss laway mo tutulo na oh!" rinig kong sabi niya at may tinuturo pa sa gilid ng labi ko.

Tinakpan ko naman agad ang bibig ko saba punas pero narealize kong wala naman talagang laway dun.

Bwesit!

Rinig kong napahalakhak sya ng malakas at mukhang tuwang tuwa sa naging reaction ko dahil sa pang aasar niya.

Inirapan ko nalang sya sabay tayo at naglakad na paalis.

Kanina nagpasalamat sya sakin dahil sa comfort ko last week kaso ngayon nang aasar na sya. Tatanggalan ko ng bayag to eh!

"Hey miss! wait up. Hoooy! teka lang kasi- miss!"

Mas binilisan ko ang paglalakad dahil mabilis akong mainis sa mga nang aasar. Oo na! Pikon ako!

Malakas mang asar pero pikon. Tss!

In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon