Chapter 11

27 11 0
                                        


Malayo palang ay tanaw ko na agad si Xander na pinagkakaguluhan ng fans niya.



Himala? Naging wild yung fans niya ngayon.



Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko na medyo naiirita na sya pero pinipilit niya pa din ngumiti para sa nakapaligid sakanya.



Buti nalang pala pinagkakaguluhan sya ngayon. Atleast nasa kanya ang attention ng mga babaeng insecure ngayon. Hindi ako ang pagchichismisan.



Yes! Makakapasok ako ng matiwasay!



Iniwas ko ang tingin ko sakanila at naglakad na papasok ng university. Kaso medyo nahirapan ako dahil malapit sa gate sila nagkakagulo.


Grrrr! Jusko naman. Nasan na ba mga guards dito?


Nung medyo nakalampas na ako ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Na haggard na ata agad ako ng maaga. Jusme!



Well sa room nalang ako mag aayos. Nag simula na akong maglakad papasok habang pinapunusan ang namuong pawis sa noo ko.



"Kiara!"



Agad akong napatigil at napapikit ng marinig kong tinawag niya ako.


Jusko naman! Pinapahamak ako ng lalaking to eh.



Eh bat ka naman kasi tumigil kiara? dapat binilisan mo nalang lakad mo! tangengot ka din eh!



Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sakanya ng nakangiti. Plastic ko amp!



"Yes? May kailangan ka?" sabi ko sakanya ng nakataas ang kilay.



Sakanya lang ako nakatingin kasi ramdam ko na agad ang masasamang titig ng mga fans niya.



Jusko naman kasi eh! Eto na sinasabi ko eh. Baka mamaya mainis yang mga yan at ipagkalat pa sa labas ng school tong nangyayari dito sa loob eh.



"Uhm excuse me lang girls ah?" sabay lapit sakin.



"Punta ka na ba ng room? Tara! Sabay na tayo!" hihilain na sana niya yung kamay ko ng iniwas ko yun at tumingin sakanya.



Kailangan ko dumistansya sayo. Damn it!


"T-teka! Maaga pa naman eh. Alangan iwan mo yang mga fans mo jan. Mukhang gusto ka pa nilang makasama. Diba girls? So sige na. Lapit na kayo dito. Sigeee byeeeee" tumakbo na agad ako paalis dun bago ako maipit ng mga fans niya.



"T-teka--" natigil sya sa pag reklamo dahil mukhang nakalapit na sakanya ulit ang fans niya.



Kaya lumingon ako sa pwesto at tama nga ako na napapalibutan nanaman sya.



Napatawa nalang ako ng makita ang itsura niya ngayon. Pilit na pilit ang ngiti niya pero halatang naiirita na. Nagpipigil ng sarili yan Hahahaha!


Tumalikod na ulit ako at nagsimulang maglakad papunta sa room. Maaga pa para sa subject namin kaya naglagay nalang ako ng earphone at in-volume nalang.


Music is heaven for me.


Maya maya pa nga ay nag datingan na ang mga kaklase ko. Di ko napansin na malapit na pala mag time.



Napatingin ako sa wristwatch ko. 5 mins nalang mag tatime na. Pero wala pa si Xander.



Malelate pa ata yun dahil sa ginawa ko.



In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon