Chapter 12

26 11 2
                                    


"What? Bat parang gulat na gulat ka jan?" tanong niya sakin na parang nagtataka.


Sino ba naman kasing hindi magugulat sa sinabi niya! Siraulo ba to?


"You said, You're fallin--" natigil ako sa pagsasalita ng matawa sya.


Halakhak yun taena! Sa sobrang ingay ng tawa niya dito sa loob ng Milktea house ay pinagtitinginan na kami.



Well, kanina pa sya pinagtitinginan pero dahil sa tawa niya ay halos lahat ng atensyon dito sa loob ay nasa kanya na.


Boset! Ayaw ko ng ganito. Ma tsismis nanaman kami.


"May nakakatawa ba?" bulong ko sa sarili ko dahil busy pa din sya sa pagtawa. Potek na yan! Mabulunan sana. Hmp!


At parang nagdilang anghel naman ako dahil bigla syang nasamid sa kakatawa niya.


Pinalobo ko nalang ang pisngi ko para mapigilan kong matawa sa itsura niya dahil baka gyerahin ako ng mga fans niya.


Yeah! may fans sya dito sa loob ng Milktea house. tss! Kahit saan naman may fans yan eh. Baka nga kahit sa loob ng mens CR may fans pa din sya. Tsk!



Ubo lang sya ng ubo sa harap ko kaya inabutan ko na sya ng bottled water. Kawawa naman eh. Baka lumabas na lalamunan nito dahil sa pagkasamid.



"S-Salamat.. Hooh!" nagpunas sya ng luha gamit ang panyo niya.



"Ayan kasi, tawa pa nga! siraulo." napairap ako sakanya.



Narinig kong natatawa ulit sya so I glared at him. Wtf? ano ba talaga tinatawanan nito?



"Ano ba kasi tinatawanan mo?" binaba ko yung librong binabasa ko sa mesa at hinarap sya.


Kanina pa ako naiinis dito ah.



"You. Ikaw ang tinatawanan ko. Pft!" aniya ng nagpipigil ng tawa.


Ako? Loko ba to? di ko naman sya pinapatawa eh. Di ako clown, duh? -.-


"Bat mo ako tinatawanan? kelan pa ako naging clown sayo?" napataas ako ng kilay na nakatingin sakanya.


Parang ewan kasi eh! Di din naman ako nag joke para tumawa sya ng ganun.


"Nung sinabi ko yung 'Im falling for you' that's the title of the book that you are reading." tinuro niya yung librong nakalapag sa harap ko ngayon "Nag assume ka naman agad. Natawa ako kasi- pft! Your reaction was priceless HAHAHAHA!"


He started to laugh his ass out there again. Tss!


Binasa ko naman agad ang title ng librong nasa tapat ko at tama nga sya, 'Im falling for you' nga ang title ng book.


Tss! Pahiya ako dun ah.


Dahil hindi pa din sya matigil sa kakatawa dun ay sinipa ko na sya mula sa ilalim ng mesa.

"Ouch!"


Pucha! Tinignan pa ako ng masama. Pero inirapan ko sya at tumayo na. Binalik ko muna yung book sa may lalagyan bago bumalik sa table namin.



Naabutan ko syang humihinga ng malalim dun at nagpipigil pa din ng tawa.


Takas mental ata to. Sisipain ko na nga sana ulit sya ng maiwas niya ang paa niya.



"Nakakarami ka na ah. Pasalamat ka, napatawa mo ako ngayon." nagpunas pa ng pawis.


So kailangan ko mag thank you sa kanya kasi pinag tawanan niya ako kanina kahit madami ang nakatingin at nagmukha akong tanga dahil dun. Ganun ba gusto niyang palabasin?


In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon