Chapter 9

32 12 0
                                        

"Ikaw ba talaga hindi titigil jan?!" naiinis kong singhal kay xander.

Tawang tawa naman sya. Nakahawak pa nga sa tiyan at hinihingal na kakatawa eh. Hmp! Bwesit.

"HAHAHAHA wait lan- hahaha!" di pa rin sya natigil.

Di ko alam na may topak pala tong artista na to. Galing ba talaga ng ibang bansa to o galing sa outerspace? Alien ampota!

Hinayaan ko syang tumawa hanggang mahimasmasan sya bago ko sya hinarap.

"Okay ka na? Boplaks ka!" bored kong sabi sakanya.

Hindi ko nga alam kung anong tinatawanan niya eh. Tahimik lang akong namimili ng mga ingredients kanina para maka pag practice ng pag bebake ng bigla syang sumulpot sa harap ko ng naka face mask pa.

Hindi ko sya nakilala nung una kung hindi lang sya nagsalita at simula kanina ay iniinis na niya ako hanggang sumama sya dito sa condo ko at nangingialam sa ginagawa ko.

Nagsimula na ako mag mix ng ibebake ko ng bigla syang tumawa ng tumawa jan ng kulang nalang lumabas ang ngala ngala niya. Punyemas!

"Bat ka ba tawa ng tawa jan?" tanong ko ulit sakanya.

Kinagat niya ang labi nya at mukhang nagpipigil nanaman ng tawa niya. Nang mapansin niyang naiirita na ako saka lang sya nagsalita.

"Wala! May naalala lang kasi ako. pft!" aniya ng nagpipigil pa din ng tawa.

sinungaling!

Inirapan ko sya "Bwesit ka! Alam mo yun? Lumayas ka nga dito sa condo ko!" tinuro ko pa yung pinto palabas ng condo ko.

Bat ko ba kasi to sinama dito sa condo ko?

Umiling iling sya "Naaah! Mag stay ako. Wala akong magagawa sa bahay eh. Ayoko naman gumala dahil baka pagka guluhan ako. Alam mo na? Pogi kasi ako." pagmamalaki niya sabay kindat pa.

Oh no Mr.Heart! kindat lang yun anubaaa! awayin mo sya!

Iba na talaga tong nararamdaman ko eh. Ayoko ng ganitong feeling. Hindi pwede! Lalo na't kamukha sya ni Jace.

Baka naman kasi kamukha niya lang si Jace kaya ganito yung pakiramdam ko sakanya?

Yeah! Baka nga ganun. Haaays!

"Hoy! natulala ka jan? Siguro napogian ka talaga sakin noh?" sabay pogi pose pa.

"Asa Xander! A-S-A!" tinalikuran ko na sya at nilagay na sa oven ang ibebake ko.

"Sabi ng fans ko pogi daw ako!" pag pipilit niya. Feeling ko naka pout pa to!

"Bakit? Fan mo ba ako?" sabay harap na sakanya. Tama nga ako, nakapout sya! Parang batang inagawan ng lollipop.

Tss! Bat ang kyot?

"Hindi. Hindi kita fan" sabi niya sabay ngiti. "Baby kaya kita." kumindat pa.

No no no.. Mr.Heart wag kang magwala jan!

Nag init bigla yung pisngi ko tinakpan ko yun at umiwas ng tingin sakanya.

Letcheng Artista to! Sisipain ko to pabalik ng ibang bansa eh!

"Oyyy bat ka namumula. HAHAHAHA kinikilig ka noooh?" di ko napansin na nasa tabi ko na pala sya at sinusundot sundot pa ang tagiliran ko.

Sht! weakness ko!

"Bwesit ka! Lumayas ka na nga lang! Letche!" pinaghahampas ko pa sya habang tumatawa sya.

In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon