Tuesday Morning. Nakatambay ulit ako sa may forest habang nagbabasa ng libro at may macha shake sa tabi.Maaga akong pumasok ngayon kahit mamayang 10:00 pa naman ang klase ko. Iniwan ko na si Cassy sa condo ko dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nasasaktan ako sa thought na baby siya ni Xander. Pano pa kaya pag nakita ko sya. Nagiguilty din tuloy ako.
Napaigtad ako sa gulat ng may biglang nagtakip ng mata ko mula sa likod.
Sino to?
Kinapa kapa at pinakiramdaman ko ang tao sa likod. May relo sya pero di ko pa din mahulaan kung sino to. Sinubukan ko pang amuyin yung kamay niya kahit nasa mata ko yun kaya humaba pa ang nguso ko.
Ramdam kong natawa sya sa ginawa ko at bahagya kong narinig ang tawa niya kaya nahulaan ko na din kung sino ang nagtakip ng mata ko.
"Kuya Chris! tanggalin mo na to!" hinampas ko pa yung kamay niya kaso natanggal na niya kaya nasampal ko yung mukha ko.
Masakit! Letche!
Natawa ulit sya. "Bat mo sinasampal sarili mo?" aniya.
Tinignan ko sya ng masama. Gustong gusto nilang inaasar ako.
I pouted. "Storbo ka kuya. Alam mo yun?"
Nagrereview kasi ako eh. Panira si Kuya..
Binaba ko nalang ang libro at kinuha yung shake ko bago humarap sakanya. Naka PE uniform sya ngayon at mukhang kakatapos lang ng klase nila.
3rd year na din si kuya Chris sa kursong engineering. Graduate na dapat sya eh kaso nag shift. IT ang course niya dati tapos nagsawa pumunta ng engineering kaya ayan, naabutan pa namin.
"Ano ba yang ginagawa mo?" hinablot niya yung libro ko at binasa. "Ah review. Sipag naman neto."
"Duh kuya? Hell week na naman next week. Natural lang siguro na mag review na noh? Ayoko bumagsak eh." sabi ko sakanya with a 'duh' look.
"Duh?" ginaya niya ako pero mas OA yung kanya dahil may patirik tirik pa ng mata.
Natawa naman ako agad dahil sa ginawa niya. Galing talaga magpa lighten ng atmosphere ni kuya chris. Sya yung tipong masayang kasama. Sana may kuya din ako..
"Ewan ko sayo kuya. Haha!" natatawa pa din ako dahil inuulit ulit pa niya ang ginagawa niya.
Inangat niya pa yung PE shirt niya at inipit para maging croptop at kumendeng kendeng sa harap ko.
"Duh? Like duuh?" pinalo nya yung pwet niya kaya di na ako matigil kakatawa.
At the same time ako din yung nahihiya para sakanya. Buti nalang at kunti lang ang studyante dito sa forest ngayon.
"Kuya? pft. Anyare sayo?" narinig ko ang boses ni Cassy sa likod ko.
Binaba naman agad ni Kuya Chris ang damit at biglang sumeryoso ng tayo. Parang walang ginawang kalokohan.
Tumingin sya sakin ng seryoso at may tinuro sa likod gamit ang nguso niya. Huh?
Lumingon ako sa likod ng natatawa pa din dahil sa pagpapatawa ni Kuya Chris pero agad ding nawala yung ngiti ng makitang magkasama si Cassy at Xander.
Nakatingin si Cassy kay Kuya Chris na mukhang nagtataka dahil siguro sa naabutan niyang itsura ng kuya niya. Nanigas ako ng makitang sakin nakatingin si Xander at seryosong seryoso ang mukha niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/222117914-288-k844235.jpg)
BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Novela JuvenilAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...