Papasok palang ako sa gate ng university ay ramdam ko na ang titig sakin ng mga estudyante dun lalo na ng mga babae.
'ano niya kaya si xander noh?'
'Baka ginayuma niya?'
'Ang balita ko kaklase niya at katabi pa daw sa upuan'
'Hmp! di naman kagandahan!'Ito na nga kasi ang sinasabi ko eh. Kami nanaman ang usapan.
Yumuko nalang ako at naglakad ulit. Ayokong makita ang itsura nila dahil halatang pinaparinig nila sakin lahat ng usapan nila.
Nananadya sila!
Naglakad lang ako ng naglakad ng maramdaman kong may kasabay na ako at tahimik na ang paligid.
Sht! Tell me mali yung nasa isip ko!
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at tinignan ang taong kasabay ko ngayon.
Napatigil ako sa paglalakad at napanganga ng makitang si Xander ang kasabay ko. Tsk! Issue nanaman to!
Tumigil din sya at tumingin sakin. Mukhang nagtataka.
"Bat ka tumigil jan? tara na! Malelate tayo" aniya at bumalik sa tabi ko.
Ramdam kong bumilis yung tibok ng puso ko. Grrr! Kinakabahan ba ako? o kinikilig?
Baka kinakabahan lang. Yeah kiara kinakabahan ka lang dahil issue nanaman to at bagong usapan nanaman sa buong university.
Pakiramdam ko di na talaga matatahimik ang college life ko mula nong dumating tong lalaking to eh.
Nagimbal na nga mundo ko nung nakita kong kamukha sya no Jace tas mas lalong nagulo ng dahil sa chismis na yan.
"Woy! Okay ka lang? tulala ka jan." nabalik ako sa pag iisip ng makita ko ang kamay ni Xander na winawagayway sa harap ng mukha ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya.
"Ha? diba dito ako nag aaral?" sagot niya.
Ah oo nga naman. Tsk! Bobo Kiara.
Inirapan ko nalang sya at nagsimula maglakad papunta sa room. Andami nanaman kasing nakatingin dun kanina.
Tumigil ba naman kasi sa gitna ng corridor.
"Hoy hintay naman. Sabay na tayo!" humabol sya at sumabay ulit sa tabi ko.
Di ba makaramdam tong taong to? kita na ngang pinagtitinginan kami eh. Tapos makikisabay pa. Gusto ata talaga nitong ma issue kami. bwesit!
"Wag kang sumabay sakin. Ayoko ng tsismis!" cold kong sabi sakanya habang nakatingin lang sa nilalakaran ko.
"Hey. Wag mong isipin yung chismis. Im just being friendly here!" hindi pa din sya umaalis sa tabi ko at sinasabayan pa din ako sa paglalakad.
Tsk! bat parang ang layo ng room ngayon?
"Yang pakikipagfriend mo ang nagpapahamak sakin eh! Di mo ba nakikita ang tingin ng mga babae dito? Parang gusto na ako balatan ng buhay eh" inis kong sabi at mas binilisan pa ang paglalakad.
"Kaya nga ako lumapit sayo eh para matigil sila sa kakatingin sayo ng ganun" sagot niya.
Mukhang sincere sya pero naiinis ako kasi paano kung kailan wala sya tsaka ako awayin ng mga yan? Gusto ko ng tahimik na college life.
"Yun na nga eh. Dahil sa paglapit mo, mas lalong madadagdagan yung issue. Pinapahamak mo ako! Alam mo ba yun?" sakto namang nasa tapat na kami ng room kaya pumasok nalang ako at iniwan ko sya sa labas.
![](https://img.wattpad.com/cover/222117914-288-k844235.jpg)
BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...