Ganun lang ang nangyari buong linggo. Sa tuwing niyayaya nila akong sumama sakanila ay tumatanggi nalang ako at magpapalusot na may gagawin pa. Hindi ko nga alam kung nagtatampo na sakin si Cassy eh. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay wag na talaga mahulog kay Xander.Naging busy nalang ako sa pag rereview mag isa. Lagi na nga akong nakatambay sa likod ng university sa tuwing vacant time eh para hindi ako makita ni Xander at Cassy.
May kumakalat din sa school na nag dedate daw sila pero tinatanggi nilang dalawa dahil kaibigan lang daw.
Tatanggi pa. Halata naman na eh!
Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko. Dapat maging masaya ako para sakanila eh. Pero hindi.. Kasi masakit.
Napatingin ako sa wristwatch para icheck kung malapit na ba ang next class ko. Laging ganito ang ganap ko. Pupunta sa likod ng university, tatambay o magbabasa ng libro, titingin sa oras at aalis.
May 15 mins pa ako bago ang next exam namin. Nag start na ang prelim exam at ito ang first day pero pang 3rd subject na tong susunod. Bale dalawa na ang natapos. Sumasakit na din ang ulo ko kakaisip ng sagot at review.
Tumayo na ako umalis sa tambayan ko dahil malayo layo pa ang aking lalakarin papunta sa next class. Kahit sa klase ay iniiwasan ko din si Xander. At minsan ko nalang pansinin si Cassy. Kadalasan ay naka earphone lang ako at nagbabasa ng libro.
Pati ako mismo ay hindi na maintindihan ang sarili ko. Damn! Sana hindi magtampo si Cassy dahil sa pinag gagawa ko ngayon.
"See girl, mag isa nalang sya. Sabi sayo magsasawa din si Xander sakanya eh."
"Look. Halos isang linggo na syang mag isa. Pft! Masyado naman kasing nag assume. Akala ata magtatagal si Xander sa tabi niya."
"Sya yung girl na laging nakakasama ni Xander noon diba? Pati yung bestfriend niya- yung ka date ni xander ngayon?"
"Nakikita ko yan noon binabatukan at sinisipa lang si Xander. Samantalang di natin mahawakan yun. Tss!"
"Baka ginamit lang sya ni Xander para mapalapit kay Cassandra? Kawawa naman. Haha!"
Puro chismisan ang naririnig ko habang naglalakad ako sa may corridor papunta sa room. Nakayuko at mabagal na naglalakad. Gusto kong maawa sa sarili ko dahil hindi ko sila masisi. Baka nga ginamit talaga ako ni Xander para mapalapit kay Cassy.
Mas binilisan ko nalang ang lakad habang nakayuko pa din. Tuloy tuloy pa din ang chismisan na naririnig ko at nanlalabo na din ang paningin ko dahil sa luha. Sht! Wag kang iiyak Kiara.
Di ko na napapansin ang mga nakakasalubong at nababangga ko. Well parang nawalan na din ako ng pake dahil sa nagkahalo halo na ang emosyon na nararamdam ko ngayon.
Nang makalampas ako sa mga estudyante na nagchichismisan ay lumiko agad ako sa hallway na walang tao. Tuloy tuloy lang ang lakad ko ng nakayuko at umiiyak nang bigla akong may nabangga.
Napa upo pa ako sa sahig sa lakas ng impact. Masakit yung pagbagsak pero hindi ko na masyadong pinansin. Yumuko nalang ako habang nakaupo at tinakpan ang mukha kong puro luha.
"Kiara? Bat ka umiiyak? sht!" rinig kong sabi ng nakabunggo ko.
Bakit sa dami ng estudyante sa university na to ay sya pa ang nakabangga ko. Yeah, Si Xander ang taong nasa harap ko ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/222117914-288-k844235.jpg)
BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...