Nakatambay ako ngayon dito sa park dahil bored na bored na ako sa bahay. Lagi namang wala sila mama dun. Puro trabaho ang inaatupag nila kaya laging phone at TV ang kaharap ko ngayong bakasyon.
Gusto ko nga magbakasyon sa tita ko sa Nueva Ecija eh kaso hindi pwede kasi wala akong space sa bahay nila ngayon dahil andun ang pinsan ko kasama ng asawa niya. Kaya no choice ako kundi ang mag stay dito kahit sobrang boring.
Patingin tingin lang ako sa paligid ng may namataan akong isang lalaki na mukhang ka edad ko lang na nakaupo sa silong ng puno.
Teka? umiiyak ba yun? Ano ba yan kalalaking tao iyakin naman. Hayy!
Naghanap ako sa bulsa ko ng panyo sabay lapit sakanya at inoffer yun. Mukhang nagulat pa sya at napatitig lang sa panyong hawak ko.
"Sige na, kunin mo na kasi yung sipon mo patulo na oh" sabi ko ng nakatingin sakanya at nakangiti.
Dali dali niyang hinablot yung panyo sabay takip ng ilong niya. Pinigilan kong matawa dahil wala naman talaga syang sipon na tumutulo eh. Joke lang yun para kunin niya yung panyo pero mukhang naniwala naman sya kaya hinayaan ko nalang.
Umupo nalang ako sa tabi niya sabay tingin lang sa harapan. Ayoko syang tignan ng umiiyak dahil mukhang nahihiya sya eh.
"Bat ka umiiyak?" tanong ko sakanya. Bakit ba?! May lahing chismosa ako eh! Tsaka gusto ko lang din malaman ang dahilan kung bakita sya umiiyak. Minsan lang kasi ako makakita ng lalaking umiiyak kaya curious din ako.
"It's none of your business!" aniya. Sungit naman neto. Nagtatanong lang naman ako eh. Hindi ko pinansin yun at tinignan lang sya ng nakangiti.
Umiwas naman sya ng tingin sakin na mukhang nahihiya. Hmm? Anong nangyari dito? Umiiyak lang kanina tas ngayon namumula na.
"Alam mo di naman masama mag share ng problema eh. Stranger ako dito oh. Di mo naman ako kilala kaya wag ka na mahiya jan. Ayaw mo nun? Pag nasabi mo yung problema mo sakin baka mabawasan din yang bigat na dinadala mo" sabi ko nalang sabay tingin ulit sa harapan namin. Nahihiya na kasi ako sa titig na sakin eh.
Nanahimik lang sya dun at mukhang wala namang balak na ikwento sakin ang problema niya. Well, hinayaan ko nalang sya at nanahimik na lang din. Napatingin ako sa wrist watch ko at akmang tatayo na sana ako upang umuwi ng bigla syang nagsalita.
"Nag aaway sila mommy at daddy sa bahay. Gusto kasi ni mommy na ligawan ko yung babaeng gusto niya para sakin kaso ayaw ni dad kasi may karapatan daw akong mamili ng taong mamahalin ko. Syempre kakampi ako kay Dad kasi tama naman sya kaso pati sakin nagalit si mommy. Nagkasumbatan kami kanina kaya nagkulong nalang ako sa kwarto ko. Kaso kahit nasa kwarto na ako ay naririnig ko pa rin ang pag aaway nila. Lagi nalang sigawan at murahan ang naririnig ko kaya di na ako nakatiis. Lumabas nalang ako ng kwarto at dumiretso dito. Iniisip ko lahat ng problemang yun kaya di ko namalayan na naiyak na pala ako" aniya habang nakayuko sa braso niyang nakapatong sa dalawang tuhod niya.
Ramdam ko yung bigat ng problema niya. Grabe! Pilitin ka ba naman manligaw ng taong di mo naman mahal tapos maririnig mo yung pag aaway ng magulang mo. Sinong di maiiyak dun?! Kung sakin nangyari yun, baka naglayas pa ako.
Di ko alam ang sasabihin ko sakanya kaya tinapik ko nalang yung braso niya para iparating na okay lang yun.
"Bakit kaya ganun noh? Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay. Yung may masayang pamilya, walang nag aaway. Pero pinagkait sakin. Siguro masama akong tao noong mga past life ko kaya ako pinaparusahan ngayon" dugtong pa niya ng may hinanakit na tono.
BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...
