Chapter 10

28 10 0
                                    


Cassandra's P.O.V

Kahit hapon na ay andito pa din ako sa condo ni Kiara. Kanina pa nakaalis si Xander at kanina pa din ako nakatingin ng masama kay kiara na nakaupo ngayon sa harap ko.

Hindi ako maka move on sa pag shoot niya ng isang buong cookies sa bunganga ko kanina.

Halos lumabas na lahat ng laman loob ko dahil sa sobrang pag ubo. May balak ata akong patayin neto eh!

"Eh C-Cassyyyy.. Sorry na nga kasi. Nagawa ko lang naman yun kasi nagulat ako ehh. Tsaka di naman kailangan ipaalam kay Xander yung nga bagay na yun. Ginawa ko lang yun para patigilin ka mag salita. Sorry naaa.." pag hingi niya ng tawad habang nakayuko.

"Bat ba kasi masyado kang affected jan?" tanong ko agad sakanya. Napahawak ako sa leeg ko dahil hanggang ngayon ay masakit pa din ang lalamunan ko. Tsk!

Hindi nakasagot si Kiara at nakita kong napa iwas sya ng tingin.

Napangisi ako bigla

.

"Don't tell me Kiara, Crush mo sya?" nakangisi pa din ako ang titig na titig sakanya.

Napatingin sya bigla sakin ng nanlalaki ang mata at mukhang gulat. Namumula pa nga eh!

"A-Ano? Crush? Si Xander? Hindi ah! Bat ko naman magiging crush yun eh puro kalokohan at kamalasan yung lalaking yun. Pogi nga sya, Abnormal naman!" sabay irap pa.

Mas lalo pa akong napangisi dahil sa reaction niya.

"Chill Kiara. Wag ka masyadong defensive jan. Baka mahalata ka." natawa na talaga ako nung tumingin sya sakin ng masama.

"Alam mo? isa ka pang bwesit eh! Magsama nga kayo ni Xander! Mga Letche!" nag walk out pa nga.

Hahaha pikon talaga eh! Kaya ang sarap asarin!

Hinayaan ko nalang sya at nahiga nalang ako sa sofa. Nakikipagtitigan sa kisame!

Mas gusto ko talaga dito sa condo ni kiara kesa sa condo ko eh. Boring dun! Maisuggest nga kay mommy na lumipat nalang ako dito sa  building na to. Mas magaganda kasi mga units dito kesa dun sa building ng condo ko. Hmp!

Habang nakatitig sa kisame ay naramdaman kong nag vibrate yung phone ko. May nagtext!

From:Moma💜
Anak, how are you? Kelan ka
ba makakadalaw samin dito
sa bahay? Buti pa ang kuya
mo nakakadalaw pa dito.
Mas gusto mo na ata jan sa
condo mo kesa dito samin ah.
I miss you baby!

To:Moma💜
Hi Mom, okay lang po ako. Maybe
weekends moma dadalaw ako
jan. Tsaka si kuya di nagsasabi na
dumadalaw pala sya jan kaya di ako nakakasama. I miss you more Mom.
Tell dad that i miss him too. I loveyou po!😙

Pagka hit ko ng send button ay tumayo na ako at dumiretso sa kusina para magluto. Malapit na magdilim kaya dito nalang ulit ako makikikain at makikitulog

"KIARAAAA! PAPAKELAMAN KO YUNG REF MO HA?" pag paalam ko sakanyan.

Sakit pa ng lalamunan ko tapos sumigaw nanaman ako. Naku naman!

"Sige lang. Bahala ka na jan!" sigaw niya pabalik. Mukhang andun sya sa kwarto niya ngayon.

Friend chicken ang naisip kong lutuin kaya nilabas ko nalang yung chicken mula sa ref at binabad sa tubig. Matigas eh! Masyadong na frozen.

Gumawa nalang muna ako ng sandwich para sakin habang hinihintay na matunaw ang ice na nakapalibot sa chicken.

Buti nalang madami ng stock foods si Kiara dito sa condo niya. Sinipag na ata mag grocery ang loka!

In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon