Nang pakawalan niya ako ay nanlalaki ang matang nakatingin lang ako sakanya. Bilis ng tibok ng puso ko. Shet!"B-Bat ka ba biglang nanyayakap jan!" tinapik ko sya sa balikat.
"Nangunguha lang ng lakas. Nakakahawa yang kaba mo eh." natatawang sabi niya habang nagkakamot pa sa batok.
Mangunguha ng lakas? Sakin? tsk. Kaya pala nanghihina ako pag anjan sya eh.
"Ah guys. Tinawag na kayo sa stage. Kayo na ang sunod." naputol ang pag uusap namin ni Xander ng dumating ulit yung event organizer.
"Sige po. Pasensya na." paghingi ko ng paumanhin bago bumaling ulit kay xander. "Hoy! tara na. Yakap yakap pa kasi eh. Ayan tuloy.."
Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila palabas ng stage.
Matinding hiyawan ulit ang bumungad samin kaya ngumiti agad ako para itago ang kaba.
Pagkarating sa gitna ng stage ay inalalayan pa ako ni Xander na makaupo. Kinindatan pa ako bago umupo sa upuan niyang nasa tabi ko lang naman.
Ohmyghaaaad. Sana naman walang mambully sakin pagkatapos ng pageant na to dahil sa gestures ng Xander na to. Sana hindi nila napansin yung kindat niya..
Ayoko pa mamatay noh!
"Hi." paninimula ni Xander. "This song ay dedicated sa mga taong may nagugustuhan. May mga inlove ba ditoo?" tinaas ni xander ang kamay niya.
Marami din ang nagsitaasan ng kamay at naghihiyawan-- no let me rephrase it, nagwawala sila!
"Okay so this song is for you guys." kumindat si xander dahilan para mas lalong magwala sila.
Potek. Di ba sila napapagod? Sakit sa lalamunan niyang mga ateng! Maawa naman kayo sa ngala ngala niyo.
Oh well, di ko na masyadong pinansin yun at nagsimula na ngang mag strum ng gitara na sinabayan din ni Xander. Tuwang tuwa naman ako ng magsabay talaga sa pag play namin sa guitar.
NP: Pagtingin na by Kyle Echarri
Ooohhh.. Ooohhh..
Di namalayan kung san nagsimula..
Di namalayan kung anong salita
Ang naging sanhi ng pagkahulog
ng puso ko sayo..Kinanta ko ang unang verse habang nakatingin kay Xander na nakatingin din sakin ngayon habang nakangiti. Hindi ko alam pero unang verse palang ay tinamaan na agad ako sa kanta.Kingina yung puso ko ayaw kumalma
Ilang beses na naming na practice tong kanta pero ngayon lang namin kinanta ng magkasama. Solo solo kasi kami nag practice para sa part namin dahil kulang sa oras. Pag magkasama naman kasi ay nakafocus kami sa pag strum para magsabay.
Bakit sa tuwing ikaw ay malapit
Mga mata sayo'y di nangangawit
Ang hiling pa nga'y makapiling
Mapalapit ka pa sa akin.
Kumindat pa sya bigla sakin pagkatapos kantahin yun. Parang nawala naman bigla yung mga estudyanteng nagwawala dahil sa pagkindat ni Xander sabay ngiti pa nga. potek help meeee. Can't take the kilig na HAHAHAHA landede.

BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Ficção AdolescenteAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...