Chapter 29

25 4 1
                                    


"Masarap ba talaga yan?" nag aalangang tanong ni Xander habang isa isang tinitignan ang lahat ng pagkain na nasa tapat namin ngayon.



May fishballs, kikiam, squidballs at may kwek kwek din na ako mismo ang nag prepare at nag luto. May fried siomai din at fried dumplings.



"Masarap yan. Wait, don't tell me hindi ka kumakain niyan?" tanong ko sakanya.



Those are my favorites. Masarap kaya!



"Hindi ko pa natikman. Tsaka bat ba kasi fried yung dumplings at siomai? Diba dapat steamed yan?" tanong niya ulit.



Kita kong natawa si Cassy dahil dun kaya napakamot nalang ako sa ulo. Taga ibang bansa nga pala to..



Kumuha ako ng tinidor at tinusok yung isang kwek kwek bago isawsaw at tinapat ko sa bunganga niya.



Bigla naman syang namutla habang nakatingin sa pagkain na nasa tapat ng bibig niya.



"Ahm.. B-Busog ako." nag alangan syang ngumiti kaya alam kong nag sisinungaling sya.



Hindi ko tinanggal ang pagkain na nasa tapat pa din ng bunganga niya at hinihintay kong isubo niya.



Napatingin sya kay Cassy na parang nang hihingi ng tulong but she just shrugged her shoulders at nagsimula na ngang kumain.



Napangisi naman ako bigla.



"Kapag di mo sinubo yan di na kita papansinin." pag babanta ko sakanya.



Gulat naman syang napatingin sakin kaya pinanatili ko ang seryosong mukha ko para mas maging kapani paniwala.



Kitang kita kong napalunok pa sya bago binuka ang bunganga at nag aalangang isubo yun.



Napangiti naman ako ng nasa loob na yun ng bunganga niya at nakapikit pa syang nginunguya yon.



Tumusok ulit ako ng panibago at sinubo yun. Hmmm.. Food is life!



Nang mapatingin ako kay Xander ay gulat syang nakatingin sakin.



"What? Nangyari sayo?" tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay. 



"Did you just use that fork na ginamit mo par subuan ako kanina?" gulat na tanong niya.



Agad naman akong napatingin sa tinidor na hawak ko. Oo nga noh?



Naramdaman kong nag init naman bigla ang pisngi ko. INDIRECT KISS? Luh Kiara anlande ah..



"Wew. Someone's blushing HAHAHAHAHA!" tinignan ko agad ng masama si Cassy ng sabihin niya yun.



Seriously? Kaibigan ko ba talaga to? nahihiya na ako dito tas dadagdagan pa niya yung kahihiyan ko.



"Wala ka namang sakit diba?" chill kong tanong kay Xander kahit alam kong namumula pa din yung mukha ko ngayon.



Napangisi naman sya. "Don't worry baby.. Healthy naman ako kaya kahit gamitin mo pa ng ilang beses ang kutsara o tinidor na ginamit ko na wala kang sakit na makukuha. HAHAHAHA!" aniya tas natawa ng malakas.



Pinag kakaisahan nila ako. Magsama na nga lang sila ni Cassy! Amp.



Tumusok nalang ulit ako sa pagkain ang sumubo. Di ko na pinalitan yung tinidor total nagamit ko na at di ko na mababawi yun. Tsaka duh?? Aarte pa ba ako? Maraming babae ang nag aasam na maranasan to noh.



In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon