Hindi ako nakatulog ng maayos nung gabi na yun. Iniisip ko lahat. Mula sa unang pagkikita namin ni xander. Nung nabangga ko sya, nung pinakyuhan ko sya sa may store, nung naging kaklase ko sya at nagulat akong kamukha sya ni Jace. Lahat ng pang aasar hanggang sa naging magkakaibigan tapos ngayon, yung may nararamdaman ako sakanya pero si Cassy ang gusto niya.
Bat ba naging ganito bigla yung set up namin? Parang kailan lang naiinis ako sakanya dahil sa pang aasar niya tapos ngayon nasasaktan na ako sa asal na pinapakita niya.
At hindi lang ako ang nasasaktan dahil base kay Xander ay nasaktan ko din ang bestfriend ko. Nagkakasakita na kami dahil sa pesteng nararamdaman ko.
Selfish ba ako? dahil pinili kong iwasan sila Cassy para sa sarili ko. Nasasaktan ko sya dahil sa pag iwas ko pero mas nasasaktan ako pag nakikita ko silang magkasama.
Siguro bukas kailangan ko na din kausapin si Cassy. Pero anong sasabihin ko? Pano pag tinanong niya kung bakit ako umiwas? Tsk! Bahala na bukas!
Kinabukasan ay maaga akong nagising kesa alarm ko. Naligo na agad ako nun at nagsuot ng isang maong high waisted pants, White fitted croptop pero di naman kita ang pusod ko dahil sa pants ko at white rubber shoes.
Nilugay ko nalang din yung hair ko at kinulot sa dulo. Nanguha pa ako ng black cap dahil balak kong maglibot sa campus ngayon para tignan ang mga pinapatayo nilang mga booths.
Sa isang black sling bag ko nilagay lahat ng gamit ko like cellphone and wallet. Ito lang ang dala ko dahil wala ng klase ngayon sa buong university dahil busy sila sa pag prepare.
Tinignan ko pa ang sarili sa isang whole body mirror ko. Nagtake ako ng mirror shot at pinost ito sa IG with a caption 'ready to go' bago ako umalis sa condo at diretso sa sasakyan.
Habang nagdadrive papuntang school ay nag drive thru muna ako sa isang fast food restau at bumili ng sobra sobra pa sa kakainin ko. Balak kong daanan yung pamilyang lagi kong nakikita na namamalimos eh.
Pagkarating ko dun ay bumaba na agad ako ng sasakyan habang dala ang ilan sa mga inorder ko. Nagtira lang din ako ng makakakain ko dahil di pa ako nag almusal.
"Ate, para sa inyo po ulit." nakangiti sabi ko bago inabot kay ate lahat ng dala ko. Sinigurado kong kakasya sakanila lahat yun.
"Naku maam. Kayo nanaman po ulit. Maraming maraming salamat talaga sa tulong mo maam. Siguradong masisiyahan nanaman ang mga anak ko dito." naluluhang tugon niya at tinawag ulit ang mga anak niya.
Nakita ko yung batang nangalabit sakin noon na nakangiting lumalapit.
"Ate, ikaw ulit." nakangiti niyang sabi sakin "Bait mo ate. Salamat!" nag flying kiss pa bago ako tinalikuran at pumunta na sa nanay at mga kapatid niya na kumakain na ngayon.
"Uuna na po ako. Babalik po ulit ako dito kapag may oras ako." paalam ko sakanila. Sabay sabay silang nag wave sakin habang nakangiti. Kaya nakangiti din akong naglakad pabalik ng kotse.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng biglang nahagip ng mata ko si Xander. Si xander nga ba yun? Binalikan ko ng tingin kung san ko sya nakita pero wala namang tao dun. Namamalikmata yata ako.
Di ko nalang pinansin yun at nagsimula na magdrive papunta sa school. Gutom na din ako.
Pagkarating ay dumiretso agad ako sa field para maupo sa mga round tables dun. Kunti palang ang tao sa university dahil maaga pa talaga.

BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...