Chapter 23

18 7 0
                                        


Pagkagising kinabukasan ay nag prepare na agad ako para sa pag punta sa university. Sabado ngayon kaya wala dapat kaming pasok dahil hanggang friday lang ang nasa schedule namin pero open naman ang school at pwede namang pumasok dahil nga sa preparation ng foundation week kaya sure akong andun ang dean ng department namin ngayon.



Nagsuot nalang ako ng isang Black fitted high waisted skirt na 3 inch above the knee, Simpleng white T shirt na may naka drawing na heart at white na shoes. Messy bun lang ang pagkaka pusod ng buhok ko dahil sa init.



Kinuha ko nalang din ang sling bag na lagi kong ginagamit at sinilid lahat ng importanteng gamit ko dun.



Ni lock ko muna ang condo bago ako dumiretso sa sasakyan ko. Bago mag drive ay tinext ko muna si Xander na sa tapat na kami ng office mag kita since may mga table naman doon na pwedeng tambayan.



7:30 palang ng umaga kaya medyo magaan pa ang daloy ng sasakyan. Nakarating din ako agad sa university kaya lang pagdating ko sa tapat ng office ay wala pa dun si Xander.



Kailangan kasama ko sya magsabi sa dean dahil sya ang kapartner ni Cassy sa Pageant. San na ba yun?



Kinuha ko nalang ang phone ko at nagtipa ng message para sakanya. Baka matagalan pa eh. Gutom na din kasi ako.



To: Xanderific
Andito na ako. San ka na? Matatagalan ka ba?



Pag hit ko ng send ay nilapag ko sa table ang cellphone ko at tumunganga habang nag aantay ng reply niya. Kaso 2 minutes na ang nakalipas ay wala akong na recieve na reply.


Baka nagdadrive?




Itetext ko na sana ulit sya ng nakita ko na syang naglalakad palapit sakin. At halos mahulog ang eyeballs ko ng makita ang suot niya.



Wtf? Nakasuot din kasi sya ng white t shirt na may design na heart pero black shade samantalang red ang akin pero heart pa din yun! Naka black jeans sya at white shoes. Matchy matchy kami na parang pinag usapan.



"Hey? You okay?" di ko namalayan na nasa harap ko na pala si Xander ay winawagayway ang kamay sa harap ng mukha ko.



Napatingin ulit ako sa suot niya tapos sa suot ko tapos sa suot niya ulit hanggang sa bumalik ang tingin ko sa suot ko.



Kita kong mukang na weweirduhan na sya sakin kaya tumayo ako sa harap niya para ipakita ang suot ko sakanya.



"Ginagaya mo ba ako?" tanong ko sakanya at lumapit sa tabi niya para pag kumparahin ang suot namin.



Rinig kong natawa sya kaya napabaling ang mata ko sakanya at tinignan sya ng masama.



"Match tayo!" mukhang tuwang tuwa pa sya sa nakita niya.



Issue kaya to! Jusko naman Xander! Mag pipiyesta nanaman mga tsismosa sa Campus eh!



"So ginaya mo ba ang suot ko?" pag uulit ko ng tanong.



"Aba malay ko bang ganyan ang suot mo? Nasa iisang bahay ba tayo ah? Soon pa yu--- wala nevermind! Basta hindi kita ginaya. Destiny ang tawag dito baby.." inakbayan pa ako pero agad ko ding inalis dahil parang nakuryente ako sa hawak niya.



Lokong yun. Lakas ng impact kahit dampi lang sa balat. Hmp!



"Whatever!" inirapan ko sya. "Tara na sa loob para makausap na natin si Dean at dadalaw pa ako ng hospital mamaya. Sama ka?"



In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon