"Hey Xander! Thanks sa foods ah. Sa uulitin!" paalam ni Cassy habang papalabas na kami ng milktea house.Medyo madilim na sa labas ng maisipan naming umuwi na. Ayoko kasi mag drive ng gabi na kasi traffic ang bubungad sakin. Mas mapapagod lang ako.
"Sa susunod ikaw naman ang manlibre. Buraot ka din." sagot ni Xander habang papunta kami sa sasakyan namin.
May sarili ding sasakyan si Xander tapos si Cassy naman sasabay na sakin since sa iisang building lang naman ang uuwian namin. Hindi ko nga alam kung san nakatira yang si Xander eh. Pero siguro malapit lang din sa lugar namin kasi dalawang beses ko siyang nakita noon sa may convinience store.
"Sige na nga. Tas si Kiara susunod. Salitan nalang tayo! Game?" nakangiti si Cassy na mukhang excited para sa plano niya.
Well, wala namang kaso sakin yun. Atleast salitan kami diba? Hindi lugi.
"Game, Okay lang sakin." pag sang ayon ko agad.
"Xander?" hinihintay namin pareho ang magiging desisyon ni Xander.
"May magagawa pa ba ako? Eh dalawa na kayong pumayag. Tsk!" natatawang sagot niya kaya napangisi agad si Cassy.
Great! So mula ngayon mas mapapadalas ko na ngang makakasama si Xander? Pero okay na din siguro, para maging komportable ako sakanya.
Baka sakaling maka iwas sa sakit..
Maliwanag sa parking lot ng makarating kami doon kaya di naman kami nahirapan na makalapit sa kanya kanyang kotse.
"Una na kami Xander. Kitakits bukas!" paalam ko din bago iunlock ang kotse.
"Ayiieeeee kitakits daw HAHAHAHA" nagsimula nanamang mang asar si Cassy kaya inirapan ko sya. Pahalata masyado eh! Ipapahamak ako nito.
"Haha sige. Ingat kayo ha?" aniya.
"Oo daw. Mag iingat daw sya para sayo. Ayiieeee!" sumabat ulit ang loka.
"Cassy! Anong trip mo?" naiinis na ngang tanong ko sakanya pero ang loka, tumawa lang tapos nauna ng pumasok sa kotse. Hanep!
"Wag mo na masyadong pansinin mga pinagsasabi nun. Malakas ang topak." agad na napatingin sakin si Xander ng sabihin ko yun at natawa.
Tawa lang yun pero nagwawala na naman puso ko. Pucha!
"Lakas nga mang asar eh. Sige na, mag gagabi na oh. Ingat ulit." nakangiti na ngang sagot niya kaya napangiti din ako.
Hindi na ako nakasagot sakanya ng biglang buksan ni Cassy ang pinto at sumigaw na ang tagal daw namin. Kita mo! Panira talaga kahit kelan eh.
Habang nag dadrive pauwi ay todo ang pang aasar na naabot ko kay Cassy. Sarap na ngang ihulog palabas ng sasakyan eh.
Tumingin ako sakanya ng mag red ang traffic lights.
"Tumigil ka nga Cas-- Teka? Ano nangyari jan?" napatigil ako na sumbatan sya ng makitang may pula ang mga braso niya hanggang leeg.
Nadikit ba to sa makati? Umaakyat kasi yung pula hanggang sa mukha niya. Parang allergies-- Allergy! Oh myghad.
"Cassy! May nakain ka bang bawal sayo?" tanong ko agad sakanya ng marealize na baka allergy nga yun.
"W-Wala naman. S-Strawberry cake l-lang." parang kinakapos pa sya ng hininga kaya napahawak na ako sa noo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/222117914-288-k844235.jpg)
BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...